Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w14 7/1 p. 16
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
  • Kaparehong Materyal
  • Paglapit sa Diyos sa Panalangin
    Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin?
  • Ang Pribilehiyong Panalangin
    Ano ang Itinuturo sa Atin ng Bibliya?
  • Lumapit sa Diyos sa Panalangin
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
  • Maging Malapít sa Diyos sa Panalangin
    Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
w14 7/1 p. 16
Matandang lalaki na nananalangin

SAGOT SA MGA TANONG SA BIBLIYA

Bakit tayo dapat manalangin?

Gusto ng Diyos na Jehova na lagi nating sabihin sa kaniya ang mga ikinababahala natin. (Lucas 18:1-7) Nakikinig siya dahil nagmamalasakit siya sa atin. Yamang inaanyayahan tayo ng ating makalangit na Ama na manalangin, hindi ba dapat lang nating tanggapin ang paanyayang iyan?​—Basahin ang Filipos 4:6.

Ang pananalangin ay hindi lang basta paghingi ng tulong sa Diyos. Paraan din ito para mapalapít sa kaniya. (Awit 8:3, 4) Kapag lagi nating sinasabi sa Diyos ang nadarama natin, nagiging mas malapít tayo sa kaniya.​—Basahin ang Santiago 4:8.

Paano tayo dapat manalangin?

Kapag nananalangin, ayaw ng Diyos na gumamit tayo ng mabulaklak na mga salita, o ng memoryadong dasal. Hindi rin kailangan ang isang partikular na posisyon sa pananalangin. Gusto ni Jehova na manalangin tayo mula sa puso. (Mateo 6:7) Halimbawa, ipinanalangin noon ng Israelitang si Hana ang isang mabigat na problema ng pamilya. Pagkatapos, nang mapalitan ng saya ang kalungkutan niya, taos-puso siyang nanalangin para pasalamatan ang Diyos.​—Basahin ang 1 Samuel 1:10, 12, 13, 26, 27; 2:1.

Talagang napakagandang pribilehiyo nito! Malaya nating masasabi sa Maylalang ang ating mga ikinababahala. Puwede rin natin siyang purihin at pasalamatan sa mga ginagawa niya. Talagang hindi natin dapat bale-walain ang pribilehiyong ito.​—Basahin ang Awit 145:14-16.

Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang kabanata 17 ng aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? na inilalathala ng mga Saksi ni Jehova

Available din sa www.jw.org/tl

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share