Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w15 10/1 p. 3
  • Bakit Nananalangin ang mga Tao?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bakit Nananalangin ang mga Tao?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
  • Kaparehong Materyal
  • Paglapit sa Diyos sa Panalangin
    Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin?
  • Ang Pribilehiyong Panalangin
    Ano ang Itinuturo sa Atin ng Bibliya?
  • Lumapit sa Diyos sa Panalangin
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
  • Paano Ka Mananalangin Para Pakinggan Ka ng Diyos?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2021
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
w15 10/1 p. 3

TAMPOK NA PAKSA | MAY NAITUTULONG BA ANG PANALANGIN?

Bakit Nananalangin ang mga Tao?

“Adik ako noon sa sugal. Nagdarasal ako para yumaman. Pero walang nangyari.”—Samuel,a Kenya.

“Wala kaming ginawa sa klase kundi manalangin ng sauladong mga dasal na itinuro sa amin.”—Teresa, Pilipinas.

“Nagdarasal ako kapag may problema. Humihingi ako ng tawad sa mga kasalanan ko. Nagdarasal ako para maging mas mabuting Kristiyano.”—Magdalene, Ghana.

1. Lalaking nananalangin sa sugalan; 2. Batang babaeng nananalangin sa paaralan; 3. Babaeng nananalangin

Ipinakikita ng mga sinabi nina Samuel, Teresa, at Magdalene na nananalangin ang mga tao sa iba’t ibang dahilan—ang ilan ay mas may kalidad kaysa sa iba. Taos-puso ang panalangin ng ilan; ang iba naman ay walang damdamin. Anuman ang ipinananalangin nila—pumasa man sa exam sa paaralan o manalo ang kanilang paboritong koponan sa isport, hingin ang patnubay ng Diyos para sa kanilang pamilya, o iba pang mga dahilan, nadarama ng milyon-milyon na kailangan nilang manalangin. Sa katunayan, ipinakikita ng mga surbey na kahit ang ilan na walang relihiyon ay regular ding nananalangin.

Nananalangin ka ba? Ano ang ipinananalangin mo? Madasalin ka man o hindi, baka maitanong mo: ‘May naitutulong ba talaga ang panalangin? May nakikinig ba?’ Sinabi ng isang manunulat na ang panalangin ay isa lang “anyo ng terapi . . . na para bang kinakausap mo ang iyong alagang hayop.” Ganiyan din ang pananaw ng ilang awtoridad sa medisina, anupat tinatawag ang panalangin na isang anyo ng “alternatibong medisina.” Nananalangin ba ang mga tao dahil nakagawian na lang nila ito o dahil nadarama nilang gumagaan ang kanilang pakiramdam?

Pero ipinakikita ng Bibliya na ang panalangin ay hindi lang basta isang anyo ng terapi. Sinasabi nito sa atin na may isa na talagang nakikinig sa mga nananalangin sa tamang paraan at para sa tamang mga bagay. Totoo ba ito? Tingnan natin ang ebidensiya.

a Binago ang ilang pangalan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share