Talaan ng mga Nilalaman
LINGGO NG MAYO 29, 2017–HUNYO 4, 2017
3 “Ang Ipinanata Mo ay Tuparin Mo”
Ilang panata ang ginawa mo kay Jehova? Isa, dalawa, o higit pa? Namumuhay ka ba ayon sa mga ito sa abot ng iyong makakaya? Kumusta ang iyong panata sa pag-aalay o ang iyong panata sa pag-aasawa? Ipaaalaala sa atin ng artikulong ito ang napakahusay na halimbawa nina Jepte at Hana habang may katapatan nating tinutupad ang ating mga panata sa Diyos.
LINGGO NG HUNYO 5-11, 2017
9 Ano ang Mawawala Kapag Dumating Na ang Kaharian ng Diyos?
Madalas nating isipin kung ano ang ibibigay sa atin ni Jehova sa Paraiso, pero sa artikulong ito, magpopokus tayo sa kung ano ang mawawala. Ano ang aalisin ni Jehova para magkaroon ng isang payapa at maligayang mundo? Pag-isipan natin ang sagot diyan para tumibay ang ating pananampalataya at determinasyong magbata.
14 Talambuhay—Determinadong Maging Kawal ni Kristo
LINGGO NG HUNYO 12-18, 2017
18 Laging Tama ang Ginagawa ng “Hukom ng Buong Lupa”
LINGGO NG HUNYO 19-25, 2017
23 Tinutularan Mo Ba ang Pananaw ni Jehova sa Katarungan?
Kapag inaakala nating nakaranas tayo o nakakita ng kawalang-katarungan, baka masubok ang ating pananampalataya, kapakumbabaan, at pagkamatapat. Susuriin ng mga artikulong ito ang tatlong ulat sa Bibliya na tutulong sa atin na matularan ang pananaw ni Jehova sa katarungan.
LINGGO NG HUNYO 26, 2017–HULYO 2, 2017
28 Purihin Mo si Jehova sa Iyong Pagkukusang-Loob!
Kumpleto na si Jehova; pero natutuwa siya kapag nakikita niyang interesado tayo na suportahan ang kaniyang soberanya. Ipinakikita ng Hukom kabanata 4 at 5 na pinahahalagahan ni Jehova kapag kusang-loob tayong sumasama sa pagtupad ng kaniyang malinaw na tagubilin.