Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w17 Oktubre p. 32
  • Alam Mo Ba?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Alam Mo Ba?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2017
  • Kaparehong Materyal
  • Panunumpa
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2022
  • Sumpa
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2017
w17 Oktubre p. 32

Alam Mo Ba?

Bakit kinondena ni Jesus ang panunumpa?

Isang lalaking nasa templo ang nanunumpa

SA Kautusang Mosaiko, may pagkakataon na angkop ang panunumpa. Pero noong panahon ni Jesus, masyado itong naging pangkaraniwan at nakagawian na ng mga tao na manumpa para sa halos lahat ng sasabihin nila. Ginagawa nila ito para magmukhang kapani-paniwala ang sinasabi nila; pero dalawang beses tinuligsa ni Jesus ang gawaing ito. Sa halip, itinuro niya: “Ang inyo lamang salitang Oo ay mangahulugang Oo, ang inyong Hindi, Hindi.”—Mat. 5:33-37; 23:16-22.

Ayon sa Theological Dictionary of the New Testament, napakahilig ng “mga Judio na sumumpa para kumpirmahin ang anumang sinasabi nila,” at makikita ito sa mga talata ng Talmud, na espesipikong nagsasabi kung aling panunumpa ang may bisa o wala.

Hindi lang si Jesus ang kumondena sa mga pag-abusong ito. Halimbawa, tungkol sa isang sektang Judio, ganito ang iniulat ng Judiong istoryador na si Flavius Josephus: “Umiiwas sila sa panunumpa, at iniisip nila na mas masahol ito sa pagsisinungaling, dahil sinasabi nila na kung kailangan mong mamanhik sa Diyos para paniwalaan ka, ikaw ay nahatulan na.” Ang apokripal na akda ng mga Judio na tinatawag na Karunungan ni Sirac, o Ecclesiastico, (23:11) ay nagsasabi rin: “Dumarami ang ipinagkakasala ng taong laging nanunumpa.” Kaya naman, kinondena ni Jesus ang kaugalian ng panunumpa para sa di-mahahalagang bagay. Kung lagi tayong nagsasabi ng totoo, hindi na natin kailangang manumpa para paniwalaan tayo.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share