Mga Patalastas
● Alok na literatura sa Mayo: Aklat na Survival Into a New Earth sa ₱12.00. Hunyo at Hulyo: Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa sa ₱30.00. Agosto: Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya sa ₱30.00.
● Ipadadala namin kasama ng inyong statement sa Abril ang isang “Special Order Blank for Forms.” Pakisuyong alatnin ang inyong suplay ng porma, at pagkatapos ay ipadala ang inyong pidido karakaraka hangga’t maaari. Ang lahat ng pidido ay dapat na tanggapin sa tanggapang pansangay nang hindi lalampas ang Agosto 31, 1985. Ang halaga ng mga porma ay sisingilin sa inyong kuwenta ng literatura. Mahalaga: Tiyaking ipadala ang isang remittance mula sa pananalapi ng kongregasyon kapag ang mga pormang ito ay lumabas sa inyong buwanang statement upang ang inyong kuwenta ng literatura ay hindi sumama.
● Ang kuwenta ng kongregasyon ay dapat na i-audit sa Hunyo 1 o karakaraka pagkatapos nito ng punong tagapangasiwa o ng sinumang inatasan niya.
● Kapag ang aklat na Nagkakaisa sa Pagsamba ay pinag-aralan sa mga kongregasyong Hiligaynon pasimula sa linggo ng Hulyo 7-13, ito ay ilalabas nang baha-bahagi sa Hiligaynong Gumising! sa halip na sa Bantayan. Sapat na mga pag-aaralan ang ilalakip sa buong buwan. Ang mga kongregasyong Hiligaynon ay dapat na magkaroon ng sapat na suplay ng Gumising! bawa’t buwan. Kung hindi pa, dapat na dagdagan nila ang kanilang suplay karakaraka.
● Mayroon na Naman:
Pinaliligaya ang Inyong Buhay Pampamilya—Cebuano
● Makukuhang mga Bagong Publikasyon:
Tamasahin ang Buhay sa Lupa Magpakailanman! (brochure)—Hiligaynon, Samar-Leyte
Watch Tower Publications Index, 1983—Ingles
● Makukuhang mga Bagong Cassette Recordings:
Joshua (set na dalawahan; kongregasyon at publiko: ₱45.00; payunir: ₱37.50)—Ingles
Judges (set na dalawahan; kongregasyon at publiko: ₱45.00; payunir: ₱37.50)—Ingles