Mga Patalastas
● Alok na literature sa Hunyo at Hulyo: Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa sa ₱30.00. Agosto: Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya sa ₱30.00. Setyembre: Alinman sa aklat na Kaligayahan o Buhay Pampamilya sa ₱12.00.
● Ang Hunyo 12 at Hulyo 4 ay malamang na mga pista opisyal anupa’t ito’y mga pagkakataon para magsagawa ng pantanging gawain sa magasin ang mga kongregasyon.
● Sa bagong serye ng pansirkitong asamblea na magpapasimula sa Hulyo, ang pahayag pangmadia na ipahahayag ng tagapangasiwa ng distrito ay “Saligan ng Pananampalataya sa Isang Di Naniniwalang Sanlibutan.”
● Malulugod kayong malaman na ang Samahan ay muling nag-iimprenta ng isang pabalita sa likod ng handbills para sa pulong ng kongregasyon. Ito ay tunay na nakatutulong sa paglilingkod sa larangan kapag ang mga tao ay hindi kumukuha ng literatura. Pinasisigla namin ang mga kongregasyon na pumidido ng suplay ng handbills para sa pulong ng kongregasyon. Ang halaga ay ₱15.00 para sa isang libo.
● Sa inyong Special Order Blank for Forms, mapapansin ninyo na ang 1985 district convention lapel badges ay nakalista. Pakisuyong pididuhin ang mga ito sa pormang ito at hindi sa karaniwang Literature Order form. Gayumpaman, kung kayo ay nangangailangan ng celluloid badges, ang mga ito ay maaaring pididuhin sa Literature Order form (S-14). Ang mga lapel badges ay 15₵ ang isa, samantalang ang lalagyan ay ₱1.00.
● Pagbabago sa halaga ng literatura—magkakabisa kaagad:
Publikasyon
Interlinear Pay. ₱21.00 Kong. ₱38.00 Publiko ₱42.00
Publikasyon
Diaglott Pay. ₱21.00 Kong. ₱38.00 Publiko ₱42.00