Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 8/85 p. 3
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1985
Ating Ministeryo sa Kaharian—1985
km 8/85 p. 3

Mga Patalastas

● Alok na literatura sa Agosto: Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya sa ₱30.00. Setyembre: Alinman sa aklat na Kaligayahan o Buhay Pampamilya sa ₱12.00. Oktubre: Suskripsiyon ng Gumising! sa isang taon sa ₱50.00. Nobyembre: Tatlong aklat na newsprint sa ₱7.00, o ₱2.50 ang isa. (Yaong mga walang aklat na newsprint ay mag-aalok ng aklat na Kaligayahan sa ₱12.00.)

● Ang bawa’t kongregasyon ay tatanggap ng dalawang Literature Inventory forms. Pakisuyong gumawa ng aktuwal na pagbilang sa lahat ng literatura sa stock at punan nang kumpleto ang porma, na ibinabalik ang orihinal sa Samahan nang hindi lalampas ang Setyembre 6. Ingatan ang duplikado sa inyong salansan.

● Dapat na kumpletuhin ng kalihim at ng tagapangasiwa sa paglilingkod ang Congregation Analysis Report form (S-10) at ipadala agad ito sa Samahan pagkatapos na mabuo ang ulat sa Agosto. Ingatan ang duplikado sa inyong salansan.

● Dapat na punan at ibalik sa Samahan ng kalihim ng kongregasyon ang Pioneer Information Report (S-207) pagkatapos na matanggap niya ang mga ulat ng payunir sa Agosto. Kailangang ipadala ito kahit na walang payunir sa kongregasyon. Ingatan ang duplikado sa inyong salansan.

● Ang Agosto 30 ay isang pista opisyal at maaaring gamitin sa pagpapatotoo sa magasin.

● Ang kuwenta ng kongregasyon ay dapat na ma-audit sa Setyembre 1 o karakaraka pagkatapos nito ng punong tagapangasiwa o ng sinumang atasan niya.

● Ang Samahan ngayon ay naglalathala ng malalaking-letrang edisyon ng The Watchtower sa Ingles lamang para doon sa may mahihinang mata. Ang bawa’t isyu ay naglalaman ng pangunahing mga artikulo lamang at walang debuho o mga larawan sa magasin. Ito ay ipadadala mula sa sangay ng Estados Unidos at marahil ay darating sa inyong tahanan ng mga dalawang buwan pagkaraan ng petsa ng isyu. Yaong mga nagnanais na magkaroon nito ay dapat na magpadala ng suskripsiyon sa sangay ng Pilipinas. Ang abuloy ay katulad din ng regular na suskripsiyon. Pakisuyong ilagay ang mga salitang LARGEPRINT EDITION sa itaas ng gawing kanang bahagi ng subscription slip.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share