Mga Patalastas
● Alok na literatura sa Disyembre: Bibliyang New World Translation kasama ng isang aklat na newsprint sa ₱44.50. (Kung walang aklat na newsprint, mag-alok ng regular na pambulsang aklat kasama ng Bibliya sa ₱54.00.) Enero at Pebrero: Suskripsiyon ng Bantayan para sa isang taon sa ₱50.00. Marso at Abril: Aklat na Mabuhay Magpakailanman alinman sa ₱15.00 o ₱30.00. (Yaong may mga aklat na newsprint sa kanilang wika ay mag-aalok nito sa ₱2.50 ang isa.)
● Ang tatlong kumbensiyon sa Manila ay idaraos sa sumusunod na dako: (1) Quezon City: KB Athletic Complex, Roces Avenue. (Pansinin: Ito ay idaraos mula sa Miyerkules hanggang Sabado, Disyembre 18-21.) (2) Marikina: Rodriguez Sports Center. (Disyembre 19-22) (3) Manila: Rizal Memorial Football-Track Stadium. (Disyembre 19-22) Ang programa sa Ingles ay idaraos sa kumbensiyon sa Maynila lamang, sa Multi-Purpose Hall, Rizal Memorial Complex.
● Ang mga drama na ihaharap sa “Mga Nag-iingat ng Katapatan” na kumbensiyon ay salig sa Bilang 6:1-12; Deuteronotnio 28:2-5; Amos 2:11-14; 3:13-15; 5:10-15 at Job mga kabanata 1, 2 at 42. Iminumungkahi na basahin ng bawa’t isa ang materyal bilang paghahanda sa mga drama.
● Walang patlang ang eskedyul para sa mga Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat sa linggo ng kumbensiyon. Gayumpaman, ang materyal na naka-eskedyul sa linggong iyon ay maaaring hatiin upang ang kalahati nito ay pag-aralan sa linggo bago ang kumbensiyon at ang kalahati naman ay sa linggong darating, bilang karagdagan sa materyal na naka-eskedyul para sa mga linggong iyon. Kung kakailanganin, ang pagbabasa ng mga parapo ay maaaring hindi na gawin sa dalawang pag-aaral na ito.
● Kasama ng Ating Ministeryo sa Kaharian na ito ay nagpadala kami ng walong pahinang insert na nagtataglay ng pang-araw-araw na teksto para sa 1986 na may reperensiya sa lokal na wika.
● Pasimula sa Enero 1, 1986, ang materyal na lilitaw sa Cebuano, Hiligaynon, Iloko at Tagalog na Bantayan ay kapareho ng nasa edisyong Ingles.
● Isang bagong serye ng pansirkitong asamblea ang magpapasimula sa Enero, 1986. Ito ay may temang, “Gawin ang Ating Bahagi sa Pagluwalhati sa Diyos.”
● Ang Disyembre 25 at Enero 1 ay mga pista opisyal at maaaring gamitin sa pagpapatotoo sa magasin para doon sa mga walang kumbensiyon sa panahong iyon.
● Ang 1986 taunang teksto ay hinalaw sa Lukas 9:60: “Humayo kayo . . . ibalita ang kaharian ng Diyos.” Dapat na magsaayos ang mga kongregasyon na magkaroon ng bagong taunang teksto sa Kingdom Hall nang hindi lalampas sa Enero 1.