Paglilingkod sa Disyembre
1 Ang Disyembre ay buwan ng kumbensiyon para sa marami sa atin. Nanaisin nating gumawa ng pantanging pagsisikap upang makibahagi sa ministeryo sa larangan nang maaga pa sa buwan at tiyaking tayo ay makapag-ulat ng ating paglilingkod sa larangan sa kongregasyon. Ang pagsasagawa nito ay magpapangyari sa atin na maging mga regular na mamamahayag ng Kaharian sa bawa’t buwan.—Roma 10:10.
2 Ang Disyembre ay panahon ng makasanlibutang kapistahan din. Ang ilang mga tao ay maaaring higit na malayang nakikipag-usap hinggil sa relihiyosong mga bagay. Nanaisin nating samantalahin ang mga ito, na kaypala’y isinasama ang ganitong komento: “Napansin namin sa panahong ito ng taon na maraming mga tao ang karaniwan nang nagugustuhan ang paksa hinggil sa relihiyon.”
3 Ang mga pista opisyal ay panahong walang trabaho at walang klase, na nagbubukas ng karagdagang pagkakataon upang palaganapin ang mabuting balita. Nanaisin ng mga matatanda na gumawa ng mga pantanging kaayusan para sa paglilingkod sa larangan sa mga araw na ito. Ang mga impormasyon sa mga pahina 176-8 ng aklat na Reasoning ay walang pagsalang makatutulong sa pagpapatotoo sa panahon ng pista opisyal.
4 Sa mga araw ng pagmamagasin sa Disyembre ay may pagkakataon tayong ialok ang maiinam na artikulo sa mga isyu ng Disyembre ng Ang Bantayan at Gumising! Sa pamamagitan ng pagiging pamilyar nang lubusan sa mga artikulo nang patiuna, tayo ay nasa kalagayang ialok ito sa nakakaakit na paraan.
5 Sa Disyembre tayo ay umaasa na malaki ang maisasakatuparan sa paglilingkod kay Jehova at magkakaroon ng kapahingahan taglay ang kaniyang pagsang-ayon.—Mat. 25:21-23.