Mga Patalastas
● Alok na literatura sa Disyembre: Ang Aking Aklat ng Mga Kuwento sa Bibliya sa ₱35.00. Enero at Pebrero: laalok ang mga lumang publikasyon sa mababang kontribusyon. (Pakisuyong tingnan ang sumusunod na mga patalastas upang malaman kung anong aklat ang maaaring ialok lakip na ang iba pang impormasyon.) Marso: Aklat na Mabuhay Magpakailanman sa ₱35.00, ang maliit sa halagang ₱17.50.
● Ang sumusunod na aklat sa puting papel ay maaaring ialok sa ₱7.00 sa Enero at Pebrero lamang. Ang mga ito ay maaaring pididuhin habang may suplay pa.
Aklat na Katotohanan—Ingles, Bicol, Cebuano, Hiligaynon, Samar-Leyte, Tagalog
Ganito na Lamang ba ang Buhay?—Ingles, Tagalog
Good News to Make You Happy—Ingles, Hiligaynon, Pangasinan, Samar-Leyte
Commentary . . . James—Ingles
World Government—Ingles
Aklat na Salita ng Diyos—Tagalog
Aklat na Dakilang Guro—Tagalog
● Ang sumusunod na mga aklat na newsprint ay maaaring ialok sa ₱2.50 ang isa sa Enero at Pebrero. (Makukuha ang mga ito sa Bethel.)
Tunay na Kapayapaan (lumang edisyon)—Bicol, Cebuano, Hiligaynon, Iloko
Aklat na Katotohanan—Iloko
Aklat na Dakilang Guro—Hiligaynon, Iloko, Samar-Leyte
Ganito na Lamang ba ang Buhay?—Cebuano
● Ang mga aklat sa puting papel sa pantanging halaga ay maaaring makuha ng mga mamamahayag sa ₱6.50 at ng mga payunir sa ₱3.50. Yaong nasa newsprint ay maaaring makuha ng mga mamamahayag sa ₱2.10 at ng mga payunir sa 70₵. Kapag nagpapadala ng inyong Remittance and Credit Request form (S-20), tiyakin na ipakita ang pagkakaiba ng puting papel at newsprint, at ang kinuha ng mga mamamahayag at ng mga payunir.
● Pasimula sa linggo ng Enero 10, 11, isang bagong serye ng pansirkitong asamblea ang magpapasimula. Ang tema ay “Patuloy na Lumakad sa mga Daan ni Jehova,” salig sa Filipos 3:16.
● May eskedyul para sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat sa bawa’t linggo sa Disyembre at Enero. Kung kakailanganing kanselahin ito ng ilang kongregasyon dahilan sa kanilang kumbensiyon, ang kalahati ng iniatas na materyal ay maaaring talakayin sa linggo bago ang kumbensiyon at ang kalahati naman ay sa linggo pagkatapos nito. Sa ganitong paraan ay walang iniatas na materyal na malilibanan ng mga kapatid.
● Nag-eskedyul kami ng 30-minutong repaso sa tampok na bahagi ng programa ng pandistritong kumbensiyon sa Pulong Ukol sa Paglilingkod ng Enero 4-10 o sa kasunod na linggo. Ang pagrerepaso ay maaaring bahaginin sa tatlong tig-10 minuto. Pagkatapos ng pambungad, rerepasuhin ng tsirman ang programa noong Huwebes at Biyernes. Ang ikalawang kapatid ay magrerepaso sa programa noong Sabado, at ang ikatlong kapatid ay magrerepaso sa mga tampok na bahagi noong Linggo.
● Ang isang drama na itatanghal sa “Banal na Kapayapaan” na Pandistritong Kumbensiyon ay salig sa Genesis kabanata 37, 39-45. Iminumungkahi sa bawa’t isa na basahin ang materyal bilang paghahanda sa drama.
● Ang taunang teksto para sa 1987 ay mula sa Josue 24:15: “Sa ganang akin at ng aking sambahayan, kami ay maglilingkod kay Jehova.” Iminumungkahi na ang lahat ng kongregasyon ay maglagay ng bagong taunang teksto sa Enero 1, 1987.
● Para doon sa walang kumbensiyon, ang Disyembre 25 at 30 at Enero 1 ay mga pista opisyal at maaaring gamitin sa gawain sa magasin ng mga kongregasyon.
● Pagbabago sa Halaga ng Magasin: Pasimula sa mga isyu ng Disyembre 1 at 8, ang mga magasin ay iaalok sa madla sa halagang ₱2.50 ang bawa’t isa. Walang ibang halaga para sa mamamahayag, at ang mga payunir ay magbabayad ng ₱l.50 para sa bawa’t magasin. Ang isang taong suskripsiyon para sa mga magasing makalawa isang buwan ay ₱60.00 kapuwa sa mga mamamahayag at madia, at ₱30.00 para sa mga payunir. Ang suskripsiyon para sa buwanang edisyon o anim-na-buwang suskripsiyon ay ₱30.00 sa mamamahayag at madia, at ₱15.00 sa mga payunir.