Mga Patalastas
● Alok na literatura sa Marso: Aklat na Mabuhay Magpakailanman sa ₱35.00, maliit na edisyon sa ₱17.50. Abril at Mayo: Isang taong suskripsiyon sa Ang Bantayan sa ₱60.00. Hunyo: Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya sa ₱35.00.
● Pasimula sa Abril, ang mga tagapangasiwa ng sirkito ay magbibigay ng pahayag pangmadla na “Pagsulong sa Buong Daigdig sa Kabila ng Pag-uusig.” Ito ay isang presentasyon sa pamamagitan ng slides.
● Nais naming pasiglahin ang mga mamamahayag na lubusang gamitin ang Kingdom News tract Blg. 30, 31 at 32, sa pamamagitan ng pagdadala ng mga ito sa kanilang bag sa pangangaral. Mayroon kaming sapat na suplay lalo na para sa tract Blg. 32 sa Cebuano, Hiligaynon at Iloko, kaya nais naming pasiglahin ang mga kongregasyon na gumagamit ng mga wikang ito na pumidido ng mga ito.
● Pasimula sa isyu ng Abril 8, ang Gumising! sa Cebuano, Hiligaynon, Iloko at Tagalog ay maglalaman ng artikulo na kasabay ng edisyong Ingles.
● Walang iba pang pulong na idaraos sa Linggo, Abril 12 yamang ito ay araw ng Memoryal. Ang pahayag pangmadia para sa linggong iyon ay maaaring kanselahin, at ang iba pang pulong na idinadaos kung Linggo ay maaaring isagawa sa Sabado o alinmang simpleng araw, depende sa kaayusan ng lokal na mga matatanda. Gagawa din ng pagbabago sa kanilang eskedyul ang mga tagapangasiwa ng sirkito sa linggong iyon upang ang pagdiriwang lamang ng Memoryal ang nakaeskedyul para sa Abril 12. Ingatan sa kaisipan na, bagaman ang pahayag ay maaaring gawin nang mas maaga, ang pagdudulot ng tinapay at alak ng Memoryal ay dapat na magpasimula pagkatapos lumubog ang araw.
● Mungkahing eskedyul sa pagbasa ng Bibliya sa linggo ng Memoryal:
Martes, Abril 7 (Nisan 9) Mat. 21:1-17
Miyerkules, Abril 8 (Nisan 10) Juan12:20-50
Huwebes, Abril 9 (Nisan 11) Mat. 21:23-46
Biyernes, Abril 10 (Nisan 12) Mat. 26:1-16
Sabado, Abril 11 (Nisan 13) Mat. 26:17-19; Luk. 22:7-13
Linggo, Abril 12 (Nisan 14) Mat. 26:26-56