Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 8/87 p. 1
  • 101,735 mga Mamamahayag sa Abril!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • 101,735 mga Mamamahayag sa Abril!
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
km 8/87 p. 1

101,735 mga Mamamahayag sa Abril!

May Kabuuang 35,424 ang Nakibahagi sa Buong-Panahong Paglilingkod!

Ang ulat ng Abril ay nagdudulot ng kagalakan sa ating mga puso! O anong pribilehiyo na masigasig na makibahagi sa maraming maiinam na gawa! (Tito 2:14) Pinasasalamatan natin si Jehova sa pagpapala niya sa ating mga pagsisikap. Ang naibigay na kamangha-manghang patotoo ay makikita sa ulat sa ibaba:

Kabuuang Mamamahayag: 101,735. Ito ay may 5,989 ang kahigitan sa Abril, 1986.

Kabuuang Auxiliary at Regular Payunir: Ang kabuuang bilang ng auxiliary payunir ay 21,567​—2,332 ang kahigitan sa nakaraang peak noong Abril, 1986. Ang kabuuang regular payunir ay 13,119, na kung isasama sa espesyal at auxiliary payunir ay magkakaroon ng kabuuang 35,424 na mga nasa buong-panahong paglilingkod. Ito ay 35% ng kabuuang mamamahayag na nag-ulat!

Kabuuang Oras: 2,987,434. Ito ay 269,438 ang kahigitan sa Abril, 1986.

Pagdalaw-muli: 685,254. Ito ay 57,202 ang kahigitan sa Abril, 1986.

Pag-aaral sa Bibliya: 84,030. Ito ay 10,452 ang kahigitan sa Abril, 1986.

Kung ang ating gawain sa Abril ay idaragdag sa ginagawa sa buong daigdig, ito ay kakatawan sa isang mainam na espiritu ng debosyon at pagsasakripisyo-sa-sarili. Ito ay nagdiriin, gaya ng inihula ni Jesus, na ang kaniyang mga tagasunod ay gagawa ng ‘lalong dakilang mga gawa’ sa pagbibigay ng patotoo sa Kaharian. (Juan 14:​12) Patuloy nawa tayong makibahagi sa gayong mga “gawa” sa ikaluluwalhati ng Diyos.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share