Mga Patalastas
● Alok na literatura sa Marso: Worldwide Security Under the “Prince of Peace” sa ₱14.00. Abril at Mayo: Isang taong suskripsiyon ng Ang Bantayan sa ₱60.00. Hunyo: Kaligayahan—Papaano Masusumpungan o Survival Into a New Earth sa ₱14.00.
● Pasimula sa Abril, ang mga tagapangasiwa ng sirkito ay magbibigay ng pahayag pangmadla na may pamagat na “Saligan para Magtiwala na ang Diyos ang May-akda ng Bibliya” kapag dumadalaw sa mga kongregasyon.
● Kapag sumusulat sa Samahan tungkol sa mga suliranin sa kuwenta ng kongregasyon o sa mga pidido ng literatura at magasin, pahahalagahan namin kung inyong laging ilalagay ang numero ng inyong kongregasyon kasunod ng pangalan ng kongregasyon sa uluhan ng inyong sulat. Pabibilisin nito ang paghawak namin ng inyong problema sa aming salansan sa kompyuter.
● Makukuha na Naman:
“All Scripture Is Inspired . . .”—Ingles
Edisyong deluxe ng New World Translation, itim at maroon—Ingles
● Makukuhang mga bagong Cassette Recording:
Jeremiah–Lamentations (set na tig-apat; kongregasyon at publiko: ₱90.00; payunir: ₱75.00)—Ingles
● May makukuha na ngayong bagong Medical Document at maaari na itong pididuhin ng mga kongregasyon. Ito’y kapalit ng Medical Alert Card. Maaari na ring pumidido ngayon ng bagong Identity Card, na dinisenyo para dalhin ng mga bata na naglalaman ng impormasyon hinggil sa pagsasalin ng dugo. Ang halaga ng bawa’t isa ay 15 sentimos. Ang sulat na nagtataglay ng tagubilin kung papaano gagamitin ang mga ito ay ipinadadala sa bawa’t kongregasyon.
● Mungkahing eskedyul sa pagbasa ng Bibliya sa linggo ng Memoryal:
Linggo, Marso 27 (Nisan 9) Mar. 14:3-9; 11:1-11
Lunes, Marso 28 (Nisan 10) Mar. 11:12-18
Martes, Marso 29 (Nisan 11) Mar. 11:19–13:37
Miyerkules, Marso 30 (Nisan 12) Mar. 14:1, 2, 10, 11
Huwebes, Marso 31 (Nisan 13) Mar. 14:12-16
Biyernes, Abril 1 (Nisan 14) Mar. 14:17–15:47