Tanong
● Wasto bang sumulat sa Samahan o sa tanggapang pansangay nito para sa mga direksiyon ng mga tao na nais ninyong sulatan hinggil sa negosyo o iba pang personal na mga bagay?
Ang lahat ng mga direksyon sa salansan ng Samahan at sa mga salansan ng kongregasyon ay kompidensiyal at hindi maaaring ibigay para sa personal na kadahilanan. Kung gayon, walang sinuman ang nararapat na sumulat sa Samahan o sa mga tanggapang pansangay nito, na humihiling ng gayong impormasyon.
Dapat na ingatan ng kongregasyon sa pangmalas ang layunin at gawain nito na nagsasangkot sa ating buong-kaluluwang pag-aalay kay Jehova at sa pagsasagawa ng kaniyang kalooban. Maging ang Samahan o ang kongregasyon man ay hindi maaaring sumangkot sa pagsuporta o pagtataguyod sa mga gawain ng pagnenegosyo. Ang gayong mga gawain ay dapat na malasin na pribadong bagay lamang. Ang mga mamamahayag na nagnanais na makipagsulatan sa mga kapatid sa ibang lunsod at maging sa ibang bansa ay dapat na gawin ang gayong bagay sa ganang sarili nila.