Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 8/89 p. 7
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1989
Ating Ministeryo sa Kaharian—1989
km 8/89 p. 7

Mga Patalastas

● Alok na literatura sa Agosto: Brochure na Ang Pamahalaan na Magdadala ng Paraiso sa ₱4.20. Setyembre: Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation?, malaking edisyon sa ₱42.00, maliit na edisyon sa ₱21.00. Oktubre: Isang taóng suskripsiyon sa Gumising! sa ₱60.00. Nobyembre: Bibliyang New World Translation kasama ng brochure na Narito! sa ₱60.00.

● Bawa’t kongregasyon ay tatanggap ng dalawang Literature Inventory forms kasama ng kanilang statement para sa Hunyo. Pakisuyong gumawa ng aktuwal na pagbilang sa lahat ng literatura na nasa stock at punan nang wasto ang porma, na ibinabalik ang orihinal sa Samahan nang hindi lalampas sa Setyembre 6. Ingatan ang duplikado sa inyong salansan.

● Dapat na punan ng kalihim at tagapangasiwa sa paglilingkod ang Congregation Analysis Report (S-10) at ipadala iyon sa Samahan karakaraka pagkatapos na makompleto ang ulat sa Agosto. Pansinin: Tiyaking mapunan ang kabilang bahagi ng porma na humihiling ng impormasyon hinggil sa mga regular payunir at sa kanilang kabuuang oras para sa taon ng paglilingkod. Mag-ingat ng duplikado sa inyong salansan.

● Ang kuwenta ng kongregasyon ay dapat na i-audit sa Setyembre 1 o karakaraka pagkatapos nito hangga’t maaari ng punong tagapangasiwa o ng sinumang inatasan niya.

● Ang sinumang nagpaplanong magsimula sa paglilingkod bilang regular payunir sa Setyembre 1, 1989 ay dapat na punang karakaraka ang aplikasyon at ibigay iyon sa mga matatanda upang marepaso. Pagkatapos na maaprobahan ang aplikasyon at mapirmahan ng Komite sa Paglilingkod ng Kongregasyon, ito ay dapat na maipadala sa Samahan sa pagpapasimula ng Agosto upang ang pagsang-ayon ay matanggap sa Setyembre 1.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share