Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 12/89 p. 5
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1989
Ating Ministeryo sa Kaharian—1989
km 12/89 p. 5

Mga Patalastas

● Alok na literatura para sa Disyembre: Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya sa ₱42.00. Enero at Pebrero: Ang mga matatandang publikasyong iaalok ay ang sumusunod: Bicol: Aklat na Katotohanan sa ₱7.00; Cebuano: Aklat na Tunay na Kapayapaan o Kaligayahan sa ₱14.00; Hiligaynon, Pangasinan at Samar-Leyte: Good News to Make You Happy sa ₱2.50; Iloko at Tagalog: Worldwide Security Under the “Prince of Peace” sa ₱14.00. Marso: Aklat na Apocalipsis sa ₱42.00.

● Sa pagtanggap sa 1990 kalendaryo, mapapansin ninyong ang pananalitang “Share in field ministry” ay inalis sa unang Linggo ng buwan at ang “Share in magazine service” ay inalis sa ikalawa at ikaapat na mga Sabado ng buwan. Bakit? Sapagka’t kaugalian na ng mga mamamahayag na makibahagi sa ministeryo sa larangan tuwing Sabado at Linggo hangga’t kaya nila. Ang totoo, marami ang nagbibigay ng mainam na halimbawa sa pamamagitan ng pakikibahagi sa ministeryo tuwing Sabado at Linggo ng buwan.

● Yamang ang pandistritong kombensiyon sa taóng ito ay idaraos sa Biyernes, Sabado, at Linggo, ang regular na Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat ay idaraos sa linggo ng kombensiyon.

● Sa mga walang kombensiyon, ang Disyembre 25 at Enero 1 ay maaaring gamitin para sa pantanging gawain sa magasin, yamang ang mga ito ay pista opisyal.

● Ang 1990 taunang teksto ay hinalaw sa Hebreo 13:6: “Magpakatibay-loob at sabihin: ‘Si Jehova ang aking katulong.’” Ang lahat ng kongregasyon ay dapat na maglagay ng bagong taunang teksto sa kanilang Kingdom Hall sa Enero 1, 1990.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share