Teokratikong mga Balita
◆ Ang Azores ay naliligayahang mag-ulat ng isang bagong peak na 419 na mga mamamahayag, 31-porsiyentong pagsulong kaysa aberids nang nakaraang taon. Ang mga mamamahayag ay aktibo sa walo sa siyam na isla.
◆ Ang Korea ay nagkaroon ng isang bagong peak na 59,483 mga mamamahayag. Ito ang kanilang ika-29 na sunod-sunod na peak.
◆ Ang mga kaayusan ay isinasagawa upang gumawa ng panibagong maliit na lantsa para sa paglilingkod sa timog silangang bahagi ng Peru. Ang plano ay ang pangaralan ang lahat ng mga nakatira sa minahan ng ginto sa tabing ilog sa lugar na iyon.
◆ Noong Disyembre at Enero, isang pantanging pagsisikap ang isinagawa upang makubrehan ang nabubukod na mga teritoryo sa Venezuela. May kabuuang 123 mga bayan at mga nayon ang iniatas na gawin. May kabuuang 900 mga pag-aaral sa Bibliya ang napasimulan.