Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 9/90 p. 3
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
km 9/90 p. 3

Mga Patalastas

● Alok na literatura sa Setyembre: Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation?, malaking edisyon sa ₱48.00, maliit na edisyon sa ₱24.00. Oktubre: Isang taóng suskripsiyon sa Gumising! sa ₱70.00. Nobyembre: Aklat na Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? sa ₱16.00. Disyembre: Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya sa ₱48.00.

● Ang lahat ng tagapangasiwa ng sirkito na nakatapos na sa pagpapalabas ng slides tungkol sa Polandiya sa kanilang sirkito ay magbibigay ng pahayag pangmadlang, “Papaano Dadaigin ng Mabuti ang Masama” kapag dumadalaw sa mga kongregasyon pasimula sa Oktubre. Tatapusin muna ng iba ang pahayag sa pamamagitan ng slides, pagkatapos ay magbibigay ng pahayag na ito hanggang Marso, 1991.

● Ang mga pidido para sa 1991 Yearbook at kalendaryo ay maaari na ngayong ipadala sa Samahan. Kami ay nagpadala ng isang pantanging Yearbook and Calendar Order Blank sa bawa’t kongregasyon kasama ng statement ng kuwenta sa Hulyo. Kapag natanggap na ninyo ito, punan ninyo at ibalik sa Samahan upang ito ay dumating sa tanggapang pansangay nang hindi lalampas sa Oktubre 1. Ang kontribusyon para sa Yearbook ay ₱16.00. Ang regular at espesyal payunir na nasa listahan na mula pa noong Hulyo 1, 1990 o bago ng petsang ito ay makatatanggap ng isang libreng kopya ng Yearbook, at ang kongregasyon ay hihiling ng kredit para dito sa Remittance and Credit Request form (S-20) kapag ipinadala nila ang bayad matapos tanggapin ang mga Yearbook. Ang mga payunir ay maaaring magkaroon ng karagdagang kopya para ilagay sa mga hindi pa bautisadong tao sa ₱8.00 bawa’t isa. Pakisuyong ipakita ang libreng mga kopya na hiwalay sa halaga ng payunir kapag humihiling ng kredit. Ang kalendaryo ay ₱16.00 rin at walang bukod na halaga para sa mga payunir, o ibibigay nang libre sa mga payunir.

● Ang mga pidido ay dapat ding ipadala na ngayon para sa “Pagsusuri sa Kasulatan Araw-Araw”—1991. Ito ay ilalathala sa lahat ng wika. Kami ay nagpadala ng isang pantanging order blank para dito kasama ng statement sa Hulyo. Pakisuyong punan ito, na ipinakikita ang bilang na kailangan ninyo para sa bawa’t wika, at ibalik ito sa Samahan nang hindi lalampas sa Oktubre 1. Ang kontribusyon ay ₱4.80 para sa mga mamamahayag. Isang libreng kopya ang ibibigay sa bawa’t regular at espesyal payunir na nasa listahan na mula pa noong Hulyo 1, 1990 o bago pa nito. Ang mga ekstrang kopya para sa mga payunir ay ₱3.20. Ang kredit ay dapat na hilingin sa paraang gaya rin sa Yearbook.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share