Mga Patalastas
● Alok na Literatura sa Marso: Aklat na Apocalipsis sa ₱48.00. Abril at Mayo: Suskripsiyon sa Bantayan sa ₱70.00. Hunyo: Ang bagong aklat, Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos sa ₱24.00.
● Pasimula sa Abril, ang mga tagapangasiwa ng sirkito ay magbibigay ng pahayag pangmadlang, “Mamuhay Taglay ang Katinuan ng Isip sa isang Ubod Samang Sanlibutan” kapag naglilingkod sa mga kongregasyon.
● Dapat repasuhin ng kalihim at tagapangasiwa sa paglilingkod ang gawain ng lahat na mga regular payunir. Kung may nagkaroon ng suliranin sa pag-abot sa kahilingan sa oras, dapat na isaayos ng mga matatanda na matulungan siya. Ukol sa mga mungkahi, repasuhin ang mga sulat ng Samahan (S-201) ng Disyembre 1, 1989, at Disyembre 1, 1990. Gayundin, tingnan ang mga parapo 12-20 ng insert sa Setyembre, 1986 ng Ating Ministeryo sa Kaharian.
● Hinggil sa paglilingkurang payunir, ang sumusunod na mga paalaala ay ibinibigay:
○ Isang patalastas ang dapat na ibigay sa kongregasyon kapag ang isang regular payunir ay huminto na sa kaniyang paglilingkod bilang payunir. Ang isang maikling patalastas ay maaaring may kapayakang magsabi: “Ito ay upang ipabatid sa kongregasyon na si [pangalan] ay hindi na naglilingkod bilang isang regular payunir.” Sa panahon ding iyon, dapat na punan ng kalihim ang pormang S-206 at ipadala iyon sa Samahan upang ipabatid sa opisina ang pagtigil ng payunir.
○ Ang taunang kahilingan sa oras para sa mga regular payunir ay nananatiling 1,000 oras.
○ Isang buong taon ang kailangang palipasin matapos ang isang panghukumang pagsaway o pagbabalik sa isa sa kongregasyon bago isaalang-alang ang paglilingkod bilang isang auxiliary o regular payunir.—Tingnan Ang Ating Ministeryo sa Kaharian, insert ng Setyembre, 1986, parapo 21 at 23.
● Yaong mga nagnanais maging auxiliary payunir sa Abril at Mayo ay dapat magbigay ng kanilang aplikasyon nang maaga. Ito’y makatutulong sa mga matatanda sa paggawa ng mga kaayusan sa paglilingkod sa larangan at magkaroon ng sapat na suplay ng literatura.
● Ang Samahan ay gumawa ng isang bagong 32-pahinang brochure sa Ingles para sa pantanging layuning matulungan ang mga Hindu na makaalam ng katotohanan. Ang pamagat ay Our Problems—Who Will Help Us Solve Them? Ang mga kongregasyong may mga Hindu sa kanilang teritoryo ay magnanais na humiling nang KAUNTING suplay ng brochure na ito.
● Makukuhang mga Bagong Cassette Recordings:
Drama cassette, Preserving Life in Time of Famine–Ingles
Kingdom Melodies No. 2 (Isahang cassette, lubos na binago)
● Eskedyul para sa pagbabasa ng Bibliya sa linggo ng Memoryal:
Lunes, Marso 25 (Nisan 9) Mat. 26:6-13; 21:1-11, 14-17
Martes, Marso 26 (Nisan 10) Mat. 21:12, 13, 18, 19; Juan 12:20-50
Miyerkules, Marso 27 (Nisan 11) Mat. 21:19-46
Huwebes, Marso 28 (Nisan 12) Mat. 26:1-5, 14-16
Biyernes, Marso 29 (Nisan 13) Mat. 26:17-19; Luc. 22:7-13
Sabado, Marso 30 (Nisan 14) Mat. 26:20-56