Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Disyembre: Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya sa ₱48.00. Enero at Pebrero: Worldwide Security Under the “Prince of Peace” sa ₱16.00. (Gayumpaman, ang mga kongregasyong Bicol ay dapat mag-alok ng Ang Katotohanang Umaakay sa Buhay na Walang Hanggan sa ₱8.00. Ang mga kongregasyong Cebuano ay dapat mag-alok ng aklat na Kaligayahan sa ₱8.00. Ang mga kongregasyong Hiligaynon at Samar-Leyte ay mag-aalok ng aklat na Good News to Make You Happy sa ₱2.50.) Marso: Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas sa ₱24.00.
◼ May malaki-laking suplay ng sumusunod na mga publikasyon sa wikang Intsik: Pakikinig sa Dakilang Guro, Good News to Make You Happy, Ang Iyong Kabataan—Pagkakamit ng Pinakamainam Dito, at Choosing the Best Way of Life. Sa Enero at Pebrero, ang mga ito ay maaaring ialok sa publiko sa pantanging abuloy na ₱2.50. Pumidido ngayon mula sa tanggapang pansangay.
◼ Isang sumaryo ng Pag-aaral ng Bantayan sa linggong iyon ay magiging bahagi ng programa ng “Mga Umiibig sa Kalayaan” na Pandistritong Kombensiyon. Dahilan dito, hindi makakaligtaan ng mga kapatid ang espirituwal na pagkain na naka-eskedyul para sa linggong dadalo sila. Ang lahat ay pinasisiglang sumubaybay sa tagapagsalita sa personal na sipi nila ng Ang Bantayan. Kadalasan ay makapag-eeskedyul ang mga kongregasyon ng regular na Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat sa unang bahagi ng linggo ng kombensiyon.
◼ Ang Disyembre 25, 30, at Enero 1 ay mga pista opisyal, kaya ang mga kongregasyong walang kombensiyon ay dapat mag-eskedyul ng pantanging pamamahagi ng mga magasin sa mga araw na iyon.
◼ Ang taunang teksto para sa 1992 ay halaw sa Roma 12:12: “Magalak sa pag-asa . . . Magmatiyaga ng pananalangin.” Ang lahat ng mga kongregasyon ay dapat na maglagay ng bagong taunang teksto sa kanilang Kingdom Hall sa Enero 1, 1992.