Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 9/92 p. 3
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
km 9/92 p. 3

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Setyembre: Alinman sa mga brochure sa ₱6.00. Oktubre: Suskripsiyon ng Gumising! sa isang taon sa ₱80.00. Nobyembre: Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos sa ₱30.00. Disyembre: Bibliyang New World Translation kasama ng Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? sa ₱100.00.

◼ Ang mga tagapangasiwa ng sirkito ay magbibigay ng pahayag na, “Si Jesu-Kristo—Ang Bagong Tagapamahala ng Lupa” kapag dumadalaw sa mga kongregasyon pasimula sa Oktubre.

◼ Kaayon ng nabanggit sa Bantayan ng Abril 15, 1991, pahina 23, parapo 13, ang mga matatanda ay gagawa ng kaayusan sa pasimula ng bagong taon ng paglilingkod na dalawin ang mga taong natiwalag o naghiwalay ng sarili nang mahigit sa isang taon. (Matatanda, pakisuyong repasuhin ang nasabing Bantayan at ang sulat noong Marso 20, 1991 hinggil dito.)

◼ Ang mga pidido para sa 1993 Yearbook at kalendaryo ay maaari na ngayong ipadala sa Samahan. Kami ay nagpapadala ng isang pantanging Yearbook and Calendar Order Blank sa bawat kongregasyon kasama ng statement ng kuwenta sa Hulyo. Kapag natanggap ninyo ito, punan at ibalik ito sa Samahan upang ito’y dumating sa tanggapang pansangay nang hindi lalampas sa Oktubre 1. Ang kontribusyon para sa Yearbook ay ₱30.00. Ang regular at espesyal payunir na nasa listahan mula pa noong Hulyo 1, 1992 o bago pa ng petsang ito ay tatanggap ng libreng kopya ng Yearbook, at ang kongregasyon ay maaaring humiling ng kredit para dito sa Remittance and Credit Request form (S-20) kapag sila’y nagpadala ng bayad pagkatapos na matanggap ang mga Yearbook. Maaaring makakuha ng karagdagang kopya ang mga payunir para sa mga hindi pa naaalay na mga tao sa halagang ₱20.00 bawat isa. Pakisuyong ipakita ang libreng kopya na kahiwalay niyaong sa halaga ng payunir kapag humihiling ng kredit. Ang kalendaryo ay ₱20.00 at walang ibang halaga nito para sa payunir, ni ibibigay na libre sa mga payunir.

◼ Ang mga pidido ay maaari na ring ipadala para sa “Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw”—1993. Ang mga ito ay ililimbag sa lahat ng wika. Kami ay magpapadala ng isang pantanging order blank para dito kasama ng statement sa Hulyo. Pakisuyong punan ito, na ipinakikita ang bilang na kailangan ninyo para sa bawat wika, at ibalik ito sa Samahan nang hindi lalampas sa Oktubre 1. Ang kontribusyon ay ₱10.00 para sa mga mamamahayag. Isang libreng kopya ang ibibigay para sa bawat espesyal at regular payunir na nasa listahan mula pa noong Hulyo 1, 1992. Ang mga esktrang kopya para sa mga payunir ay ₱5.00. Ang kredit ay dapat na hilingin katulad ng sa Yearbook.

◼ Babala: Kami ay nakakatanggap ng mga ulat mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa na ang ilang impostor na nagpapanggap na mga Saksi ay nakatangay ng pera at mahahalagang bagay mula sa mga kapatid sa pamamagitan ng pandaraya. Kadalasang alam nila ang pangalan ng mga matatanda at mga kapatid sa Bethel at pamilyar sa organisasyon. Ang lahat, lalo na ang mga matatanda ay dapat na magbantay laban sa mga ito upang mapangalagaan ang kawan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share