Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Oktubre: Isang taóng suskripsiyon sa Gumising! o Ang Bantayan sa ₱80.00. Nobyembre: Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos sa ₱30.00. Disyembre: New World Translation kasama ng aklat na Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? sa ₱100.00. Enero: Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman sa ₱60.00. PANSININ: Ang mga kongregasyon na hindi pa nakakapidido ng mga nabanggit na babasahin ay dapat na gumawa nito sa kanilang susunod na buwanang Literature Request Form (S-14).
◼ Ang mga mamamahayag na nagpaplanong mag-auxiliary payunir sa Nobyembre ay dapat na magpasok kaagad ng kanilang aplikasyon. Ito’y magpapangyaring makagawa ang mga matatanda ng kinakailangang mga kaayusan sa literatura at teritoryo.
◼ Sa pahina 103-4 ng Organisado Upang Ganapin ang Ating Ministeryo, nagbigay ng tagubilin kung ano ang maaaring isama sa pag-uulat ng oras sa paglilingkod sa larangan. Ang ilan ay nag-iisip kung baga ang isang mamamahayag na nagsasalin para sa isang tagapagsalita sa pahayag pangmadla ay maaaring bumilang ng oras. Oo, maaaring isama ng tagapagsalita at tagapagsalin sa kanilang ulat ng paglilingkod sa larangan ang oras na kanilang ginugol.
◼ Yamang maraming tao ang nababahala hinggil sa namatay nilang minamahal sa buhay sa Oktubre 31 at Nobyembre 1, makabubuting gamitin ang tract na Ano ang Pag-asa Para sa Namatay na mga Minamahal?, at gayundin ang brochure na Espiritu ng mga Patay kapag gumagawa sa bahay-bahay o sa mga sementeryo sa mga araw na yaon.