Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Abril at Mayo: Isang taóng suskrisyon sa Ang Bantayan sa ₱80.00. Hunyo: Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation?, malaking edisyon sa ₱60.00, maliit na edisyon sa ₱30.00. Hulyo: Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman sa ₱60.00. PANSININ: Ang mga kongregasyon na hindi pa nakahihiling ng mga nabanggit sa itaas para sa kampanya ay dapat na gumawa nito sa kanilang susunod na buwanang Literature Request Form (S-14).
◼ Ang mga pidido ay maaari na ngayong ipadala para sa mga tomo ng 1992 Watchtower at Awake! Ang mga ipinadalang pidido ay sisingilin sa kuwenta ng kongregasyon at mamarkahan ng “later” sa invoice kung hindi pa dumarating ang mga tomo mula sa Nueba York. Ipadadala namin karakaraka ang inyong pidido kapag dumating ang mga tomo. Kapag natanggap na ito ng mga kapatid na pumidido nito, ang bayad na ₱120.00 para sa bawat tomo ay dapat na ipadala sa Samahan kasama ng inyong susunod na remittance.
◼ Isang sulat mula sa Samahan na may petsang Pebrero 20, 1992 para sa lahat ng mga kongregasyon ang nagpatalastas hinggil sa 1993 Convention Fund para tulungan ang mga misyonerong dadalaw sa kanilang bansa at dadalo sa isa sa mga pandistritong kombensiyon sa taóng ito. Ang Marso ang pinakahuling buwan sa pagpapadala ng kontribusyon sa Samahan para sa 1993 Convention Fund na ito. Ang inyong bukas-palad na pagtangkilik sa kaayusang ito ay lubusang pinahahalagahan.
◼ Ang lubusang pagsisikap ay dapat gawin upang dalawin ang lahat ng dumalo sa Memoryal noong Abril 6 at sikaping pasimulan ang isang pag-aaral sa Bibliya. Tulungang makita nila ang pangangailangang dumalo sa mga pulong nang palagian, hindi lamang minsan sa isang taon.
◼ Makukuhang Bagong Publikasyon:
Muling inilimbag na mga Tomo ng 1985 Watchtower (₱120.00)—Ingles