Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Agosto: Alinman sa mga brochure sa ₱6.00. Setyembre: Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa, malaking edisyon sa ₱60.00, maliit na edisyon sa ₱30.00. Oktubre: Suskrisyon ng Gumising! para sa isang taon sa ₱80.00. Nobyembre: Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa, malaking edisyon sa ₱60.00, maliit na edisyon sa ₱30.00. PANSININ: Ang mga kongregasyon na hindi pa nakapipidido ng nabanggit na mga alok ay dapat na gumawa niyaon sa kanilang susunod na buwanang Literature Request Form (S-14).
◼ Ang bawat kongregasyon ay tatanggap ng dalawang Literature Inventory form (S-18) kasama ng kanilang statement ng kuwenta para sa Hunyo. Pakisuyong gumawa ng aktuwal na pagbilang ng lahat ng literatura sa stock at punan nang kompleto ang mga porma, na ibinabalik ang orihinal sa Samahan nang hindi lalampas ang Setyembre 6. Ingatan ang duplikado sa inyong salansan.
◼ Dapat punan ng kalihim at ng tagapangasiwa sa paglilingkod ang Congregation Analysis Report (S-10) at ipadala ito sa Samahan karakaraka matapos makompleto ang ulat sa Agosto. Pansinin: Tiyaking punan ang kabilang panig ng porma na humihiling ng impormasyon para sa mga regular payunir at sa kabuuang oras nila para sa taon ng paglilingkod. Mag-ingat ng duplikado sa inyong salansan.
◼ Ang kuwenta ng kongregasyon ay dapat na i-audit sa Setyembre 1 o karakaraka pagkatapos nito hanggat maaari ng punong tagapangasiwa o ng sinumang inatasan niya.
◼ Dapat na karakarakang punan ang aplikasyon ng mga nagpaplanong magsimula sa paglilingkod bilang regular payunir sa Setyembre 1 at ibigay ito sa mga matatanda upang marepaso. Pagkatapos na aprobahan at pirmahan ang aplikasyon ng Komite sa Paglilingkod ng Kongregasyon, ito’y dapat na ipadala sa Samahan sa pasimula ng Agosto upang ang pagsang-ayon ay matanggap sa Setyembre 1.
◼ Kung ang inyong kongregasyon ay nangangailangan ng ekstrang mga magasin sa Oktubre dahilan sa kampanya sa Gumising!, may panahon pa para ipadala ang inyong pantanging pidido kung hindi pa ninyo nagagawa ito. Tiyaking isaalang-alang ang bilang ng mga auxiliary payunir na maaaring maglingkod sa buwang iyon.
◼ Simula sa Abril 8, 1993, ang wikang Gujarati ay naidagdag sa listahan ng buwanang edisyon ng magasing Gumising! na makukuha sa pamamagitan ng koreo.