Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Enero: Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos sa ₱30.00 o Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan sa ₱20.00. Pebrero: Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa, malaking edisyon sa ₱60.00, maliit na edisyon sa ₱30.00. Marso: Apocalipsis—Malapit na ang Dakilang Kasukdulan Nito! sa ₱60.00. Abril at Mayo: Isang taóng suskrisyon sa Ang Bantayan sa ₱80.00. PANSININ: Ang mga kongregasyong hindi pa nakakapidido ng mga babasahin para sa kampanya gaya ng nasa itaas ay dapat gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Order Form (S-AB-14).
◼ Ang Enero ay panahon upang baguhin ang ating Medical Directives at Identity Cards para sa 1995. Gayundin, ang lahat ng bagong bautisadong miyembro ng kongregasyon ay dapat paglaanan ng card, gaya na rin ng mga di bautisadong minor-de-edad na anak ng mga magulang na Saksi. Pakisuyong repasuhin ng kalihim ang sulat sa lahat ng kongregasyon na may petsang Nobyembre 1, 1991 kung papaano pupunan ang mga card na ito, at bigyan ang lahat ng nangangailangan ng mga card. Kung kinakailangan, pumidido ng karagdagan pa mula sa Samahan.
◼ Ang pagdiriwang ng Memoryal ay gaganapin sa Biyernes, Abril 14, 1995, matapos lumubog ang araw. Bagaman ang pahayag ay maaaring magsimula nang mas maaga, pakisuyong tandaan na ang pagpapasa ng tinapay at alak ng Memoryal ay hindi dapat magsimula kundi matapos lumubog ang araw. Walang ibang pulong na dapat ganapin sa araw na iyon. Ang anumang pulong na normal na ginaganap sa araw na iyon ay dapat na ilipat sa ibang araw sa linggong iyon. Ang mga paanyaya sa Memoryal ay ipadadala sa mga kongregasyon matapos na ito’y imprentahin.
◼ Ang pantanging pahayag pangmadla para sa 1995 ay ibibigay sa buong daigdig sa Linggo, Abril 23. Ang paksa ay “Malapit Na ang Katapusan ng Huwad na Relihiyon.” Ang balangkas ay ipadadala sa takdang panahon. Ang mga kongregasyong may dalaw ng tagapangasiwa ng sirkito, o may pantanging araw ng asamblea sa dulong sanlinggong iyon ay magkakaroon ng pantanging pahayag sa susunod na linggo, Abril 30. Walang kongregasyon ang dapat na magkaroon ng pantanging pahayag bago ang Abril 23.
◼ Gaya nang naipatalastas na, ang aklat na Apocalipsis ay pag-aaralan sa lahat ng mga kongregasyong Cebuano, Iloko, at Tagalog pasimula sa linggo ng Enero 30 hanggang Pebrero 5, 1995. Ang materyal ay isiserye sa Hiligaynong Gumising! para gamitin ng mga kongregasyong Hiligaynon, pasimula sa isyu ng Enero 8, 1995.
◼ Ang Watchtower Library—1993 Edition ay makukuha na ngayon sa CD-ROM upang gamitin sa mga computer. Ito ay isang compact disk na may read-only memory. Makikita ng isa sa computer ang anumang reperensiyang mula sa New World Translation, mga tomo ng Insight, The Watchtower (1950-93), Awake! (1980-93), Watch Tower Publications Indexes (1930-93), Our Kingdom Ministry (1970-93) at marami pang aklat, bukleta, brochure, at tract na inilathala mula noong 1970. Ang CD-ROM ay may programang dinisenyo ng Samahan upang tulungan kayong saliksikin ang mga publikasyong ito. (Tingnan ang Gumising! ng Abril 22, 1994, pahina 23.) Upang magamit ang compact disk, kailangan ang mga sumusunod: computer na IBM PC-compatible na may 80386 o mas mabilis na microprocessor; isang CD-ROM drive na nakalagay o nakakabit; isang hindi kukulangin sa dalawang megabyte ng RAM (apat na megabyte ng RAM ang inirekomenda); tatlong megabyte ng free hard disk space; isang VGA o higher resolution color o monochrome monitor; Windows 3.1 o mas bago rito, na pinatatakbo sa mas mabilis na paraan. Para doon sa may nabanggit na kasangkapan, ang Watchtower Library ay makukuha sa ₱300.00 kapuwa sa mga mamamahayag at mga payunir. Nakatanggap kami ng limitadong suplay lamang, subalit inaasahan namin na marami pa ang darating. Kapag naubos ang unang suplay, ipadadala namin ang natitirang mga pidido kapag dumating ang bagong suplay.
◼ Makukuhang Bagong Publikasyon:
Watch Tower Publications Index 1991-1993 (Mamamahayag: ₱25.00; payunir: ₱20.00)—Ingles