Pagtulong sa Iba sa Paghahanap sa Diyos
1 Si Jehova ay naglaan sa atin ng saganang espirituwal na pagkain upang tulungan ang mga tao sa paghahanap sa kaniya. (Gawa 17:27) Sa Enero ating iaalok ang aklat na Paghahanap ng Tao sa Diyos o, bilang kahalili, ang aklat na Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan. Ang sumusunod na mga mungkahi ay tutulong sa atin na maging handa upang ipakita sa ating kapuwa ang pangangailangan na “hanapin si Jehova” at “tumawag sa kaniya samantalang siya’y malapit.” (Isa. 55:6) Ang mga mungkahi ay maaaring iangkop sa lokal na mga kalagayan.
2 Kapag nag-aalok ng aklat na “Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos,” maaari kayong magpasimula sa pagsasabing:
◼ “Kapanapanabik makasumpong ng mga taong may iba’t ibang relihiyon. Subalit di ba kayo sasang-ayon na karaniwang sinusunod ng mga tao ang relihiyon ng kanilang mga magulang sa halip na personal na hanapin nila ang Diyos? [Hayaang magkomento.] Ang aklat na ito, Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos, ay tumatalakay sa pinagmulan at mga turo ng mga pangunahing relihiyon. Sinasagot nito ang mga katanungan na kailangan nating malamang lahat sa paghahanap sa Diyos.” Bumaling sa pahina 17, parapo 28, at ipakita ang limang katanungang isinasaalang-alang sa aklat. Pagkatapos ay ialok ang aklat.
3 O, pagkatapos na ipakilala ang sarili, maaari ninyong sabihin:
◼ “Sa dami ng mga relihiyon sa ngayon, naisip na ba ninyo kung papaano natin matitiyak kung ang ating relihiyon ay sinasang-ayunan ng Diyos?” Pagkatapos na magkomento ang maybahay, ituon ang kaniyang pansin sa kahon sa pahina 377 ng aklat na Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos, na nagpapakita sa sampung paraan upang makilala ang tunay na relihiyon, na pinapansin lalo na ang punto numero 7. Tanungin ang maybahay kung siya’y sumasang-ayon na ang isa na nagsasagawa ng tunay na relihiyon ay dapat na ganito ang damdamin hinggil sa ibang mga lahi at nasyonalidad. Kung ipinahihintulot ng panahon, tingnan ang mga binanggit na kasulatan, at pagkatapos ay ialok ang aklat.
4 Nasumpungan ng marami na ang pagbaling sa isang kabanata sa aklat na Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos na tumatalakay sa relihiyon ng maybahay ay makatutulong upang makuha ang kaniyang pansin. Nanaisin ninyong subukan ito kapag nag-aalok ng aklat.
5 Kung kayo’y gumagamit ng aklat na “Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan—Paano Mo Masusumpungan?,” maaari ninyong subukan ito:
◼ “Nais ng bawat isa na mabuhay sa isang sanlibutan na may kapayapaan at katiwasayan. Pero nakalulungkot sabihin, hindi pa natin nararanasan ito sa ating kaarawan. Ano sa palagay ninyo ang kailangan nating gawin upang mangyari ang kapayapaan at katiwasayan? [Hayaang sumagot.] Taglay ng Diyos ang kapangyarihan upang pangyarihin ang kapayapaan sa lupang ito, at kaniyang ipinangakong gagawin ito.” Bumaling sa pahina 98, at pagkatapos ay basahin ang Mikas 4:3, 4. Ialok ang aklat, at isaayos ang pagdalaw muli.
6 Ang ating mga publikasyon ay nagpakilos sa libu-libong tao na higit na magsuri sa Bibliya sa kanilang paghahanap sa Diyos. Pribilehiyo natin na tulungan sila sa Enero.