Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Hulyo at Agosto: Alinman sa mga brosyur sa halagang ₱6.00. Setyembre: Ang aklat na Mabuhay Magpakailanman ay gagamitin, at dapat magsikap na makapagpasimula ng mga pantahanang pag-aaral sa Bibliya. Ang malaking edisyon ay ₱60.00 at ang maliit na edisyon ay ₱30.00. Oktubre: Isang-taóng suskrisyon sa Gumising! sa halagang ₱80.00. PANSININ: Ang mga kongregasyong hindi pa nakapipidido ng binanggit-sa-itaas na mga babasahin para sa kampanya ay dapat na gawin na ito sa kanilang susunod na buwanang Literature Order Form (S-AB-14).
◼ Sa Sabado, Agosto 26, 1995, magkakaroon ng pangkalahatang paglilinis sa Tahanang Bethel sa Quezon City, kaya sarado ang opisina sa umagang iyon at walang mga tour na isasagawa sa araw na iyon. Ang opisina ng literature reception ay sarado rin sa umagang iyon.
◼ Ito’y isang magandang pagkakataon para sa mga nagsasaalang-alang na maglingkod bilang mga regular pioneer na makapag-isip na mabuti tungkol sa bagay na ito nang sa gayon ay maibigay nila ang kanilang aplikasyon sa service committee sa Agosto 1 at maaprobahan pagsapit ng Setyembre 1, 1995, ang pasimula ng bagong taon ng paglilingkod.
◼ Sa pagsisimula ng linggo ng Hulyo 31 hanggang Agosto 6, pag-aaralan ng lahat ng mga kongregasyon na ang wika’y Bicol, Pangasinan, at Samar-Leyte ang aklat na Pinaliligaya ang Inyong Buhay-Pampamilya sa mga pag-aaral ng kongregasyon sa aklat. Yamang ang aklat na ito ay hindi makukuha sa mga wikang ito, ito’y igagawa ng serye sa diyalekto ng Watchtower, mula sa isyu ng Hulyo 1, 1995.