Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 8/95 p. 7
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
km 8/95 p. 7

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Agosto: Alinman sa mga brosyur sa ₱6.00. Setyembre: Ang aklat na Mabuhay Magpakailanman ay gagamitin, at kailangang magsikap na makapagpasimula ng pantahanang pag-aaral sa Bibliya. Ang malaking edisyon ay ₱60.00 at ang maliit na edisyon ay ₱30.00. Oktubre: Isang taóng suskrisyon sa Gumising! sa ₱80.00. Nobyembre: New World Translation sa Ingles o Ang Banal na Kasulatan kasama ng Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? sa ₱100.00. PAALAALA: Ang mga kongregasyong hindi pa nakapipidido ng nabanggit-sa-itaas na mga babasahin para sa kampanya ay dapat na pumidido na sa kanilang susunod na buwanang Literature Order Form (S-AB-14).

◼ Bawat kongregasyon ay tatanggap ng dalawang Literature Inventory forms (S-18) lakip ang kanilang statement ng kuwenta para sa Hunyo. Pakisuyong gumawa ng aktuwal na pagbilang ng lahat ng literaturang hawak at sulatan nang kumpleto ang porma, na ibinabalik sa Samahan ang orihinal nang di-lalampas sa Setyembre 6. Itago ang isa pang kopya sa inyong salansanan.

◼ Titipunin ng sekretaryo ng kongregasyon ang mga ulat ng paglilingkod upang ipasok sa Congregation Analysis Report form (S-10). Maingat din niyang tuturuan ang sinumang matanda o ministeryal na lingkod na tutulong sa kaniya sa pagtitipon ng mga ulat. Ito’y titiyak ng isang wastong pagkakahanay ng mga impormasyong kailangan mula sa Congregation’s Publisher Record cards (S-21). Ang Congregation Analysis Report form (S-10) ay dapat sulatan nang wasto at malinis at maingat na rerepasuhin ng komite sa paglilingkod.

◼ Maaari nang ipadala sa Samahan ang pidido para sa 1996 Yearbook at sa kalendaryo. Kami ay magpapadala ng isang pantanging Yearbook and Calendar Order Blank sa bawat kongregasyon lakip ang statement ng kuwenta para sa Hunyo. Kapag natanggap na ninyo ito, sulatan ito at ibalik sa Samahan nang di-lalampas sa Agosto 15. Ang abuloy para sa Yearbook ay ₱30.00. Ang mga regular at special pioneer na nakatala noong Hulyo 1, 1995 o bago ang petsang ito ay tatanggap ng isang libreng kopya ng Yearbook, at ang kongregasyon ay hihiling ng credit para rito sa Remittance and Credit Request form (S-20) kapag nagpadala sila ng bayad pagkatapos na matanggap ang mga Yearbook. Makakakuha ang mga payunir ng karagdagang kopya para ipasakamay sa mga di-nakaalay na mga tao sa halagang ₱20.00 bawat isa. Pakisuyong ibukod ang mga libreng kopya sa kinuha ng mga payunir kapag humihiling ng credit. Ang kalendaryo ay ₱20.00 at walang pioneer rate dito, ni magbibigay ng libre sa mga payunir.

◼ Maaari na ring ipadala ang pidido para sa Pagsusuri sa Kasulatan Araw-Araw—1996. Ito’y ilalathala sa lahat ng wika. Magpapadala kami ng pantanging order blank para rito lakip ang statement ng kuwenta para sa Hunyo. Pakisuyong sulatan ito, na ipinakikita ang bilang na kailangan ninyo para sa bawat wika, at ibalik sa Samahan nang di-lalampas sa Agosto 15. Ang abuloy ay ₱10.00 para sa mamamahayag. Isang libreng kopya ang ibibigay sa bawat special at regular pioneer na nakatala mula noong Hulyo 1, 1995. Ang ekstrang kopya para sa mga payunir ay ₱5.00. Ang credit ay maaaring hilingin sa paraang gaya ng sa Yearbook.

◼ May panahon pa para sa mga nagpaplanong mag-regular pioneer sa Setyembre 1, 1995 na ipadala ang kanilang aplikasyon. Kapag ito’y naaprobahan na ng komite sa paglilingkod ipadala agad sa Samahan upang matanggap ang aprobasyon bago sumapit ang Setyembre 1.

◼ Kung kailangan ng inyong kongregasyon ang ekstrang mga magasin sa Oktubre dahil sa kampanya sa suskrisyon, pakisuyong ipadala agad ang inyong pantanging pidido. Tiyaking isinaalang-alang ang bilang ng mga auxiliary pioneer na maglilingkod sa buwang iyon.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share