Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 12/95 p. 7
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
km 12/95 p. 7

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura para sa Disyembre: Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman sa ₱60.00. Enero: Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos sa ₱30.00 o Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan sa ₱20.00. Pebrero: Apocalipsis—Malapit na ang Dakilang Kasukdulan Nito! sa ₱60.00. Marso: Bagong publikasyong ilalabas sa mga pandistritong kombensiyon. PANSININ: Ang mga kongregasyong hindi pa nakapipidido ng mga babasahin para sa kampanya gaya ng nasa itaas ay dapat gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Order Form (S-AB-14).

◼ Ang punong tagapangasiwa o ang sinumang inatasan niya ay dapat mag-audit sa kuwenta ng kongregasyon sa Disyembre 1 o karaka-raka hangga’t maaari pagkatapos nito. Gumawa ng patalastas sa kongregasyon kapag naisagawa na ito.

◼ Mahalaga para sa lahat ng mga mamamahayag na gumawa ng tiyak na mga kaayusan upang maagang makibahagi sa paglilingkod sa Disyembre. Kung, dahilan sa pagdalo sa isang kombensiyon o pagbabakasyon, kayo ay mawawala sa inyong kongregasyon sa katapusan ng Disyembre, tiyaking ibigay sa kalihim ang inyong ulat bago kayo umalis. Sa pagiging palaisip ng lahat na makapag-ulat nang nasa panahon, magkakaroon tayo ng kumpletong ulat sa Disyembre.

◼ Yamang ang pandistritong kombensiyon sa taóng ito ay magiging tatlong araw, hindi na kailangang kanselahin ang Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat sa linggo ng kombensiyon.

◼ Mga Abuloy sa Pandistritong Kombensiyon: Yamang hindi na magsisilbi ng pagkain sa mga kombensiyon, ang lahat ng gagastusin, lakip na ang upa sa mga pasilidad, pagtatayo ng entablado, at inilaang public address system, ay lubusang susuportahan ng boluntaryong mga kontribusyon. Alam namin na iingatan ito sa isipan ng lahat ng dumadalo. Ang mga kontribusyon ay maaaring gawin sa pamamagitan ng inilaang mga kahon ng kontribusyon sa mga kombensiyon. (Tingnan ang parapo 12 ng insert noong Nobyembre, 1995 ng Ating Ministeryo sa Kaharian.)

◼ Taunang Teksto sa 1996: Ang taunang teksto para sa 1996 ay kinuha mula sa Santiago 1:22: “Maging mga tagatupad ng salita.” Dapat magsaayos ang lahat ng kongregasyon na mailagay ang bagong tekstong ito sa kanilang mga Kingdom Hall sa Enero 1, 1996.

◼ Dagdag na Halaga sa Magasin: Dahilan sa dagdag na halaga ng papel at produksiyon, kinakailangang dagdagan ang halaga ng mga magasin pasimula sa mga isyu ng Enero 1996. Ang mga kontribusyon ay magiging ₱5.00 para sa mga mamamahayag at publiko at ₱3.50 para sa mga payunir. Ang mga suskrisyon ay magiging ₱120.00 sa isang taon at ₱60.00 sa anim na buwan. Ang halaga para sa payunir ay magiging ₱60.00 sa isang taon at ₱30.00 sa anim na buwan. (Para sa mga humahawak ng magasin: Yamang ang bagong singil ay magpapasimula sa mga isyu ng Enero, tiyaking ipamahagi ang mga isyung ito sa bagong halaga kahit na ang mga ito ay dumating sa Disyembre; kung hindi ay maaapektuhan ang kuwenta ng kongregasyon.)

◼ Bagong Malalaking-titik na Bantayan: Ikinalulugod naming ipatalastas na ang malalaking-titik na edisyon ng Ang Bantayan sa Cebuano, Iloko, at Tagalog ay ilalathala pasimula sa mga isyu ng Enero 1, 1996. Ito ay sinlaki ng regular na magasin at may 32 pahina subalit walang kulay o ilustrasyon at magtataglay lamang ng mga pinag-aaralang artikulo kasama ng mga tanong. Ang halaga ay katulad ng regular na edisyon. Ito’y maaaring pididuhin sa pamamagitan ng indibiduwal na suskrisyon o bilang kopya ng mga tagapamahagi sa pamamagitan ng kongregasyon. Upang mapidido, gumamit ng regular na subscription slip ng Bantayan (M-1) o ng Distributors’ Order form (M-202) at markahang maliwanag sa gawing kanan sa itaas ng, “LARGE PRINT.” Inaasahan namin na ang paglalaang ito ay makatutulong sa mga may edad o sa may mahinang paningin.

◼ Album ng Pinakadakilang Tao: Yamang tayo ay nag-aalok ng aklat na Pinakadakilang Tao sa Disyembre, makabubuting ingatan sa isipan na ang Samahan ay naghanda ng isang album ng 8 cassette para sa aklat na ito sa Ingles. Maraming pamilya ang nasiyahan sa pakikinig dito nang regular at nasumpungang ito’y tunay na nakapagpapatibay at edukasyonal. Kahit na ang ilang pag-aaral sa Bibliya ay maaaring maging interesadong kumuha ng isa nito. Ang kontribusyon ay ₱300.00 para sa mga mamamahayag at sa publiko at ₱230.00 para sa mga payunir. Gayunman, ang halagang ito ay tataas pasimula sa Enero 1, 1996.

◼ Makukuhang mga Publikasyon Para sa Bulag: Ang sangay sa Pilipinas ay may sarisaring publikasyon sa Grade 2 sa English Braille. Kung may alam ang mga mamamahayag ng sinumang nakababasa ng ganitong klase ng Braille, maaaring sumulat sa Samahan ang kalihim ng kongregasyon para sa impormasyon kung papaano makukuha ang mga ito.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share