Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 7/96 p. 3
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
km 7/96 p. 3

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Hulyo at Agosto: Alinmang brosyur (maliban sa mga brosyur na Dugo at Edukasyon) sa ₱6.00. Setyembre: Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation?, malaking edisyon sa ₱60.00, maliit na edisyon sa ₱30.00. (Para sa mga hindi nagbabasa ng Ingles, ang aklat na Mabuhay Magpakailanman ay maaaring ialok bilang kahalili.) Oktubre: Isang taóng suskrisyon sa Gumising! sa ₱120.00. PANSININ: Ang mga kongregasyong hindi pa nakapipidido ng mga babasahin para sa kampanya gaya ng nasa itaas ay dapat gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Order Form (S-AB-14).

◼ Sa Sabado, Agosto 31, 1996, magkakaroon ng pangkalahatang paglilinis sa Tahanang Bethel sa Quezon City, kaya ang opisina ay isasara sa umagang iyon at walang mga tour na isasagawa sa araw na iyon. Ang opisina ng literature reception ay magiging sarado rin sa umagang iyon.

◼ Ito’y isang mabuting panahon para doon sa mga nagsasaalang-alang ng paglilingkuran bilang regular pioneer na dibdibang isipin ang bagay na ito upang maibigay nila ang kanilang aplikasyon sa komite sa paglilingkod sa Agosto 1 anupat maaprobahan ito bago ang Setyembre 1, 1996, na siyang pasimula ng bagong taon ng paglilingkod.

◼ Pasimula sa linggo ng Setyembre 9-15, 1996, at patuloy hanggang sa linggo ng Setyembre 29–Oktubre 5, 1997, isasaalang-alang ang aklat na Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat sa Cebuano, Hiligaynon, Iloko, at Tagalog na mga kongregasyon. Sa mga kongregasyon sa Bicol, Pangasinan, at Samar-Leyte, ang aklat na Nagkakaisa sa Pagsamba ng Tanging Tunay na Diyos ay pag-aaralan pasimula sa Setyembre 9-15, 1996 hanggang Hunyo 23-29, 1997.

◼ Mga Makukuhang Bagong Publikasyon:

Muling inilimbag na mga tomo ng Watchtower para sa mga taon ng 1953, 1954, 1955, 1956, 1957, at 1958 (Ang mga kongregasyon at mga indibiduwal ay hinihimok na pumidido ng mga ito upang makumpleto ang kanilang mga teokratikong aklatan; ang kontribusyon ay ₱120.00 para sa bawat tomo.)—Ingles

◼ Mga Makukuhang Bagong Audiocassette:

Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan (5-cassette na album na naglalaman ng buong aklat. Mamamahayag at Publiko: ₱250.00; Payunir: ₱180.00.)

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share