Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Enero: Maliit na edisyon ng aklat na Mabuhay Magpakailanman sa pinababang kontribusyon na ₱20.00. Pebrero: Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation?, malaking edisyon sa ₱60.00, maliit na edisyon sa ₱30.00. Sa mga teritoryong hindi nagsasalita ng Ingles, ang maliit na edisyon ng aklat na Mabuhay Magpakailanman ay dapat na ialok sa pinababang kontribusyon na ₱20.00. Marso: Bagong publikasyong ilalabas sa pandistritong kombensiyon. Abril at Mayo: Isang taóng suskrisyon ng Ang Bantayan sa ₱120.00. PANSININ: Ang mga kongregasyong hindi pa nakapipidido ng mga babasahin para sa kampanya gaya ng nasa itaas ay dapat na gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Order Form (S-AB-14).
◼ Ang Enero ay panahon upang baguhin ang ating mga Medical Directive at Identity Card para sa 1997. Gayundin, ang lahat ng bagong bautisadong miyembro ng kongregasyon ay dapat paglaanan ng card, lakip na ang di bautisadong menor-de-edad na mga anak ng mga magulang na Saksi. Pakisuyong repasuhin ng kalihim ang sulat sa lahat ng kongregasyon na may petsang Nobyembre 1, 1991 kung paano pupunan ang mga card na ito, at paglaanan ang lahat ng nangangailangan ng card sa Pulong sa Paglilingkod sa linggo ng Enero 13-19. Kung kinakailangan, pumidido ng karagdagang card sa Samahan.
◼ Ang mga kongregasyon ay dapat gumawa ng mga kaayusan upang ipagdiwang ang Memoryal sa taóng ito sa Linggo, Marso 23, pagkatapos lumubog ang araw. Bagaman ang pahayag ay maaaring magsimula nang mas maaga, ang pagpapasa ng mga emblema ng Memoryal ay hindi dapat magsimula hangga’t di lumulubog ang araw. Yamang walang mga pulong na idaraos sa araw na yaon, dapat gumawa ng angkop na mga pagbabago para idaos ang Pag-aaral ng Bantayan sa ibang panahon. Dapat baguhin ng mga tagapangasiwa ng sirkito ang kanilang iskedyul ng pulong sa loob ng sanlinggo ayon sa lokal na mga kalagayan. Bagaman kanais-nais para sa bawat kongregasyon na idaos ang kanilang sariling pagdiriwang ng Memoryal, ito ay hindi laging posible. Kapag ang ilang kongregasyon ay karaniwang gumagamit ng iisang Kingdom Hall, marahil ang isa o higit pang kongregasyon ay makakukuha ng ibang pasilidad para gamitin sa gabing iyon. Hindi dapat magsimula ang Memoryal nang masyadong gabi na anupat hindi na kombinyente para sa mga taong interesado na dumalo. Ni hindi dapat na masyadong gipit ang iskedyul anupat wala nang panahon para batiin ang mga bisita, gumawa ng kaayusan para tulungan sa espirituwal ang mga interesado, o tamasahin ang pagpapatibayan bago o pagkatapos ng selebrasyon. Pagkatapos na maingat na isaalang-alang ang lahat ng nasasangkot, ang matatanda ay dapat magpasiya kung anong kaayusan ang magiging higit na kapaki-pakinabang para sa lahat ng dadalo. Ang mga paanyaya sa Memoryal ay ipadadala sa mga kongregasyon kapag naimprenta na.
◼ Ang pantanging pahayag pangmadla para sa 1997 ay ibibigay sa buong daigdig sa Linggo, Abril 6, 1997. Ang paksa ay “Maging Malinis sa mga Karumihan ng Sanlibutan.” Ang balangkas ay ilalaan sa takdang panahon. Ang mga kongregasyong may dalaw ng tagapangasiwa ng sirkito, may pansirkitong asamblea, o pantanging araw ng asamblea sa dulong sanlinggong iyon ay magkakaroon ng pantanging pahayag sa susunod na linggo, sa Abril 13. Walang kongregasyon na magbibigay ng pantanging pahayag bago ang Abril 6.
◼ Ang lupon ng matatanda ay dapat maging alisto na ang sumusunod na pagbabago ay kailangan kapag ang kongregasyon ay dumadalo sa lokal na mga asamblea: Kapag may naka-iskedyul na pantanging araw ng asamblea, ang kongregasyon ay dapat na magdaos ng lahat ng kanilang normal na mga pulong sa buong sanlinggo, maliban sa pagkansela sa Pahayag Pangmadla at Pag-aaral ng Bantayan. Kapag nakaiskedyul na dumalo sa pansirkitong asamblea, kakanselahin din ng kongregasyon ang Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro at Pulong sa Paglilingkod; tanging ang Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat ang idaraos sa linggong iyon.