Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Agosto: Alinman sa mga brosyur sa ₱6.00. Setyembre: Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya sa ₱20.00. Oktubre: Isang taóng suskrisyon sa Ang Bantayan o Gumising! sa ₱120.00. Pasimula sa huling bahagi ng buwan, ang Kingdom News Blg. 35 ay ipamamahagi. Nobyembre: Ang kampanya taglay ang Kingdom News Blg. 35 ay ipagpapatuloy sa unang bahagi ng buwan. Pagkatapos ang aklat na Kaalaman ay iaalok. PANSININ: Ang mga kongregasyong hindi pa nakapipidido ng mga babasahin para sa kampanya gaya ng nasa itaas ay dapat na gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Order Form (S-AB-14).
◼ Ang bawat kongregasyon ay tatanggap ng dalawang Literature Inventory forms (S-18) kasama ng kanilang statement ng kuwenta para sa Hunyo. Pakisuyong gumawa ng aktuwal na pagbilang sa lahat ng literaturang nasa istak sa Agosto 31, 1997 at punan nang kumpleto ang mga porma, na ibinabalik ang orihinal sa Samahan nang hindi lalampas sa Setyembre 6. Ingatan ang duplikado sa inyong salansan.
◼ Titipunin ng kalihim ng kongregasyon ang mga ulat ng paglilingkod para ipasok sa Congregation Analysis Report form (S-10). Bibigyan din niya ng tagubilin ang sinumang matanda o ministeryal na lingkod na tutulong sa kaniya sa pagtitipon ng ulat. Dahilan dito’y makasisiguro na may isang tumpak na tabulasyon ng kailangang impormasyon mula sa mga Publisher Record card (S-21). Ang Congregation Analysis Report form (S-10) ay dapat punan nang wasto at masinop at dapat na maingat na suriin ng komite sa paglilingkod.
◼ Ang mga pidido para sa Pagsusuri sa Kasulatan Araw-Araw—1998 at ang 1998 calendar ay dapat na ipadala na ngayon sa Samahan. Kami ay nagpapadala ng isang pantanging order blank sa bawat kongregasyon kasama ng statement ng kuwenta sa Hunyo para sa dalawang ito. Kapag natanggap ninyo ito, punan ito at ibalik ito sa Samahan nang hindi lalampas sa Agosto 15. Ang kontribusyon para sa Pagsusuri sa Kasulatan Araw-Araw ay ₱10.00 para sa mga mamamahayag. Isang libreng kopya ang maaaring ibigay sa bawat special at regular pioneer na nasa listahan mula noong Hulyo 1, 1997, at ang kongregasyon ay hihiling ng credit para dito sa Remittance and Credit Request form (S-20) kapag sila’y nagpapadala ng bayad matapos tanggapin ang mga buklet. Ang mga payunir ay maaaring kumuha ng karagdagang mga kopya para isakamay sa di-naaalay na mga tao sa ₱5.00 ang isa. Pakisuyong ipakita ang libreng mga kopya na hiwalay sa halaga ng payunir kapag humihiling ng credit. Ang kalendaryo ay ₱25.00 at walang pioneer credit dito, ni may ibibigay na libre sa mga payunir.
◼ May panahon pa para doon sa mga nagpaplanong magpasimula sa pagre-regular pioneer sa Setyembre 1, 1997 upang isumite ang kanilang mga aplikasyon. Kapag ang mga ito ay naaprobahan ng komite sa paglilingkod dapat nilang ipadala ito sa Samahan nang walang pagkabalam upang ang pagsang-ayon ay matanggap bago ang Setyembre 1.