Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Enero: Nagkakaisa sa Pagsamba ng Tanging Tunay na Diyos o ang maliit na edisyon ng aklat na Mabuhay Magpakailanman sa ₱20.00. Pebrero: Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation?, malaking edisyon sa ₱60.00, maliit na edisyon sa ₱30.00. Gayunpaman, sa mga teritoryong hindi nagsasalita ng Ingles, ang maliit na edisyon ng aklat na Mabuhay Magpakailanman ay dapat na ialok sa kontribusyon na ₱20.00. Marso: Ang aklat na Kaligayahan sa Pamilya ay iaalok. Kung wala kayo ng aklat na ito maaari ninyong ialok ang aklat na Kaalaman. PANSININ: Ang mga kongregasyong hindi pa nakapipidido ng mga babasahin para sa kampanya gaya ng nabanggit sa itaas ay dapat na gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Order Form (S-AB-14).
◼ Ang mga kongregasyon ay dapat na gumawa ng mga kombinyenteng kaayusan upang ipagdiwang ang Memoryal sa taóng ito sa Sabado, Abril 11, pagkatapos lumubog ng araw. Bagaman ang pahayag ay maaaring magsimula nang mas maaga, ang pagpapasa ng mga emblema ng Memoryal ay hindi dapat magsimula hangga’t hindi lumulubog ang araw. Alamin ang lokal na mga kalagayan upang matiyak kung kailan magaganap ang paglubog ng araw sa inyong lugar. Bagaman kanais-nais para sa bawat kongregasyon na ganapin ang kanilang sariling pagdiriwang ng Memoryal, maaaring ito’y hindi laging posible. Kapag may ilang kongregasyon na gumagamit ng iisang Kingdom Hall, marahil ang isa o higit pang kongregasyon ay maaaring kumuha ng ibang pasilidad na magagamit sa gabing iyon. Ang Memoryal ay hindi dapat magsimula nang malalim na ang gabi anupat ang mga bagong interesadong tao ay mahihirapang dumalo. Ni hindi dapat maging masyadong gipit ang iskedyul anupat wala nang panahon bago o pagkatapos ng pagdiriwang na batiin ang mga bisita, gumawa ng mga kaayusan upang maipagpatuloy ang espirituwal na pagtulong sa mga taong interesado, o tamasahin ang pangkalahatang pagpapalitan ng pampatibay-loob. Pagkatapos na lubusang maisaalang-alang ang lahat ng salik, dapat na pagpasiyahan ng matatanda kung anong mga kaayusan ang makatutulong sa pinakamabuting paraan upang ang lahat ng dumadalo sa Memoryal ay lubusang makinabang sa okasyon.
◼ Ang pantanging pahayag pangmadla sa 1998 sa panahon ng Memoryal ay ibibigay sa Linggo, Marso 29. Isang balangkas ang ipagkakaloob. Ang mga kongregasyon na may dalaw ng tagapangasiwa ng sirkito, may pansirkitong asamblea, o may pantanging araw ng asamblea sa dulong sanlinggong iyon ay magkakaroon ng pantanging pahayag sa susunod na linggo. Walang kongregasyon ang magkakaroon ng pantanging pahayag bago ang Marso 29, 1998.
◼ Dapat mabatid ng lupon ng matatanda na ang sumusunod na mga pagbabago ay kinakailangan kapag ang kongregasyon ay dumadalo sa mga lokal na asamblea. Kapag naka-iskedyul ang isang pantanging araw ng asamblea, ang kongregasyon ay magkakaroon ng lahat ng normal na pulong sa buong sanlinggo, maliban sa pagkansela ng Pahayag Pangmadla at Pag-aaral ng Bantayan. Kapag naka-iskedyul na dumalo sa isang pansirkitong asamblea, kakanselahin din ng kongregasyon ang Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro at ang Pulong sa Paglilingkod; yaon lamang Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat ang idaraos sa linggong iyon.
◼ Yamang tumitingin tayo sa Abril bilang isang pantanging buwan ng paglilingkod, napapanahon na ngayong isaalang-alang ang mga pangangailangan ng inyong kongregasyon para sa ekstrang mga magasing gagamitin sa buwang iyon. Pakisuyong ipadala nang maaga ang inyong mga pidido upang mapaglaanan ang inyong mga pangangailangan.
◼ Makukuhang Bagong Audiocassette:
The Secret of Family Happiness (Album ng 4 na cassette na naglalaman ng buong aklat. Mamamahayag: ₱250.00; Payunir: ₱180.00)
◼ Mayroon kaming natitirang kaunting istak ng Kingdom News #35 sa Bicol, Cebuano, Ingles, Hiligaynon, Iloko, Pangasinan at Samar-Leyte. Ang mga kongregasyong hindi nakatapos sa pagkubre sa lahat ng kanilang teritoryo sa pamamagitan ng tract na ito, ay magnanais na pumidido ng karagdagang suplay upang maisagawa ito. Tatanggapin ng Samahan ang inyong pidido hanggang sa maubos ang suplay.