Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 8/98 p. 7
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1998
Ating Ministeryo sa Kaharian—1998
km 8/98 p. 7

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Agosto: Maaaring ialok ang alinman sa mga brosyur sa ₱7.50, ngunit pinasisigla namin ang lahat na partikular na itampok ang bagong brosyur na Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao. Setyembre: Ang aklat na Kaalaman sa ₱25.00. Oktubre: Isang taóng suskrisyon ng Ang Bantayan o Gumising! sa ₱120.00. Nobyembre: Ang aklat na Kaalaman sa ₱25.00. PANSININ: Ang mga kongregasyon na hindi pa nakapipidido ng mga literatura para sa kampanya na binanggit sa itaas ay dapat na gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Order Form (S-AB-14).

◼ Ang bawat kongregasyon ay tatanggap ng dalawang Literature Inventory form (S-18) kasama ng kanilang statement ng kuwenta para sa Hunyo. Pakisuyong gumawa ng aktuwal na pagbilang sa lahat ng literatura sa istak sa Agosto 31, 1998 at punan nang kumpleto ang porma, na ibinabalik ang orihinal sa Samahan nang hindi lalampas sa Setyembre 6. Ingatan ang duplikado sa inyong salansan.

◼ Titipunin ng kalihim ng kongregasyon ang mga ulat sa paglilingkod para ilagay sa Congregation Analysis Report form (S-10). Kaniya ring bibigyan ng maingat na tagubilin ang sinumang matanda o ministeryal na lingkod na maaaring tumutulong sa kaniya sa pagtitipon ng ulat. Sa ganito’y matitiyak ang tumpak na pagkakahanay ng mga impormasyong kakailanganin mula sa mga Publisher Record card (S-21). Ang Congregation Analysis Report ay dapat na punan nang tumpak at masinop at dapat na maingat na suriin ng komite sa paglilingkod.

◼ Ang mga pidido para sa Pagsusuri sa Kasulatan Araw-Araw​—1999 at ang 1999 calendar ay dapat na ipadala na ngayon sa Samahan. Kami ay may ipinadalang isang special order blank sa bawat kongregasyon kasama ng statement ng kuwenta sa Hunyo para sa dalawang ito. Kapag natanggap ninyo ito, punan at ibalik ito sa Samahan nang hindi lalampas sa Setyembre 6. Ang kontribusyon para sa Pagsusuri sa Kasulatan Araw-Araw ay ₱12.50. Isang libreng kopya ang maaaring ibigay sa bawat special at regular pioneer na nasa listahan mula noong Hulyo 1, 1998, at ang kongregasyon ay hihiling ng kredito para dito sa Remittance and Credit Request form (S-20) kapag sila’y nagpadala ng bayad matapos na matanggap ang mga buklet. Anumang karagdagang kopya na nais kunin ng mga payunir ay sisingilin sa kabuuang halaga na ₱12.50. Wala na itong bukod na halaga para sa mga payunir. Ang kalendaryo ay ₱30.00 at walang bukod na halaga para sa payunir, ni magbibigay ng libreng kopya sa mga payunir.

◼ May panahon pa para sa mga nagpaplanong magsimula bilang regular pioneer sa Setyembre 1, 1998 upang isumite ang kanilang mga aplikasyon. Kapag ang mga ito’y sinang-ayunan ng komite sa paglilingkod dapat na ipadala kaagad ang mga ito sa Samahan upang ang pagsang-ayon ay matanggap bago ang Setyembre 1.

◼ Iskedyul ng Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat: Mula sa linggo ng Setyembre 21 hanggang sa linggo ng Oktubre 26, ang brosyur na Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin? ay pag-aaralan sa mga Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat. Mula sa Nobyembre 2 hanggang sa Disyembre 14, ang brosyur na Ano ang Layunin ng Buhay? ay pag-aaralan. Pagkatapos mula sa Disyembre 21 hanggang sa Enero 25, ang brosyur na Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos? ay pag-aaralan. Ang lahat ng kongregasyon ay dapat na pumidido ng anumang suplay na kakailanganin upang ang lahat ay magkaroon ng materyal na pag-aaralan sa takdang panahon. Yamang ang brosyur na Layunin ng Buhay ay hindi makukuha sa Bicol, Pangasinan, at Samar-Leyte, ito ay lilitaw sa serye ng diyalekto ng Bantayan sa mga isyu ng Oktubre 1, Oktubre 15, at Nobyembre 1, 1998.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share