Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Oktubre: Isang taóng suskrisyon ng Ang Bantayan o Gumising! sa ₱120.00. Nobyembre: Ang aklat na Kaalaman sa ₱25.00. Disyembre: Bibliyang New World Translation kasama ang alinman sa aklat na Kaalaman o aklat na Salita ng Diyos sa ₱125.00. O ang brosyur na Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao ay maaaring ialok kasama ng Bibliya sa ₱107.50. Enero: Nagkakaisa sa Pagsamba ng Tanging Tunay na Diyos sa ₱25.00. PANSININ: Ang mga kongregasyon na hindi pa nakapipidido ng mga literatura para sa kampanya na binanggit sa itaas ay dapat na gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Order Form (S-AB-14).
◼ Kapag nagpapadala ng mga suskrisyon sa buwang ito, pakisuyong sundin ang 7 punto ng tagubiling nasa Weekly Subscription form (M-203). Ang ilang suskrisyon ay maaaring pagsama-samahin sa porma, subalit kahit na iisa lamang ito sa katapusan ng linggo, dapat na ito’y ipadala kaagad sa Samahan. Makatutulong kung susundin ang ikatlong tagubilin sa porma, na nagsasabi: “Sa bawat slip, pansinin ang sinisingil para sa suskrisyong iyon sa sulok sa ibaba sa dakong kanan.”
◼ Ang insert sa labas na ito ng Ating Ministeryo sa Kaharian ay ang “Iskedyul sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro Para sa 1999” at ito’y dapat na ingatan bilang reperensiya sa buong 1999.
◼ Sa Nobyembre 1, maraming tao ang gugunita sa kanilang namatay na mga minamahal sa buhay, kaya magiging angkop na gamitin ang tract na Ano ang Pag-asa Para sa Namatay na Minamahal? o ang brosyur na Kapag Namatay ang Iyong Minamahal sa paggawa sa bahay-bahay o sa mga sementeryo sa araw na iyon.
◼ Yamang ang Oktubre ay may limang Sabado at ang Nobyembre ay may limang Linggo, ang mga buwang ito ay maaaring maging kombinyenteng panahon para makapag-auxiliary pioneer ang marami.
◼ Ang mga pidido ay maaari na ngayong ipadala para sa 1999 Yearbook. Kami ay nagpapadala ng isang pantanging Yearbook Order Blank sa bawat kongregasyon kasama ng statement ng kuwenta sa Agosto. Kapag natanggap ninyo ito, punan ito at ibalik sa Samahan nang hindi lalampas sa Nobyembre 15. Ang kontribusyon para sa Yearbook ay ₱25.00. Ang mga regular at special pioneer na nasa listahan mula pa noong Hulyo 1, 1998 ay tatanggap ng isang libreng kopya ng Yearbook, at hihiling ang kongregasyon ng credit para dito sa Remittance and Credit Request form (S-20) kapag ipinadala nila ang bayad matapos na matanggap ang mga Yearbook. Maaaring kumuha ng karagdagang kopya ang mga payunir upang ipamahagi sa mga taong di-bautisado sa halaga para sa payunir na ₱20.00 bawat isa. Pakisuyong ihiwalay ang mga libreng kopya mula sa kinuha sa halaga para sa payunir kapag humihiling ng credit.
◼ Makukuhang Bagong Publikasyon:
Watch Tower Publications Index 1997 (₱10.00 para sa mga mamamahayag at payunir)—Ingles