Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 7/99 p. 1
  • Manalangin Ukol sa Tulong ni Jehova

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Manalangin Ukol sa Tulong ni Jehova
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1999
  • Kaparehong Materyal
  • “Ipaalam ang Inyong mga Pakiusap sa Diyos”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2006
  • Ano ang Isinisiwalat Tungkol sa Iyo ng Iyong Panalangin?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
  • Pahalagahan ang Pribilehiyo Mong Manalangin
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2022
  • Pasulungin ang mga Panalangin Mo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2023
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1999
km 7/99 p. 1

Manalangin Ukol sa Tulong ni Jehova

1 Ikinintal ni Jesus sa kaniyang mga alagad na kailangan ang pagpapala ni Jehova sa kanilang ministeryo. (Mat. 9:37, 38) Ang ating mga taos-pusong panalangin ng papuri at pasasalamat kasama ng ating taimtim na paghiling at pagsusumamo ay nagpapakita ng ating lubusang pananalig sa tulong ni Jehova. (Fil. 4:6, 7) Tayo’y hinihimok ng Kasulatan na patuloy na manalangin taglay ang “bawat anyo ng panalangin at pagsusumamo,” at ito’y kumakapit sa ating mga panalangin hinggil sa ministeryo.—Efe. 6:18.

2 Pinupuri natin si Jehova sa panalangin dahilan sa kaniyang walang kapantay na mga katangian at mga naisagawa. Pinupuri rin natin siya bilang ang Tagapagbigay ng mabuting balita na ating ipinangangaral. Siya’y karapat-dapat sa ating papuri dahilan sa siya lamang ang nagpapangyari na maging matagumpay ang ating ministeryo.—Awit 127:1.

3 Ang ating mga panalangin ng pasasalamat ay kapahayagan ng pagpapahalaga sa kaunawaang ibinigay sa atin ni Jehova hinggil sa kaniyang kalooban at layunin. Hindi ba’t isang pribilehiyo na ibahagi sa iba ang mga katotohanan ng Kaharian? Pinasasalamatan natin si Jehova sa lahat ng ating naisasakatuparan sa ministeryo.—Awit 107:8; Efe. 5:20.

4 Lubhang angkop, humihiling tayo ng tulong kay Jehova upang masumpungan ang mga taong tatanggap sa ating iniaalok na pag-aaral sa Bibliya, at humihiling tayo ng tulong upang maabot ng katotohanan ang kanilang puso. Sa gayong pakikiusap, ipinakikita natin na ang Diyos lamang ang magpapangyari na maging mabunga ang ating gawain sa ministeryo.—1 Cor. 3:5-7.

5 Nadama ng isang sister na hindi binabasa ng babae sa kaniyang ruta ng magasin Ang Bantayan at Gumising! Sa pagnanais na hindi masayang ang mahahalagang babasahing ito, hiniling niya kay Jehova na kung hindi rin lamang binabasa ng babae ang mga ito, sana’y tanggihan niya ang mga ito. Nang muling dumalaw ang sister, sinabi ng asawa ng babae: “Salamat sa palagiang pagdadala mo ng mga magasing ito. Binabasa ko ang mga ito at talagang gustung-gusto ko ang mga ito.”

6 Sa pamamagitan ng mapagpakumbaba at taimtim na paghiling, makapagsusumamo tayo kay Jehova na tulungan tayong harapin ang kawalang interes at panunuya ng madla at mapagtagumpayan ang anumang takot sa tao upang tayo’y patuloy na makapangaral sa iba nang may katapangan. (Gawa 4:31) Kung patuloy tayong mananalangin taglay ang “bawat anyo ng panalangin at pagsusumamo” habang ating masunuring itinataguyod ang ating banal na paglilingkod, maaasahan natin ang tulong ni Jehova.—1 Juan 3:22.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share