Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 8/99 p. 5-6
  • Repaso sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Repaso sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1999
Ating Ministeryo sa Kaharian—1999
km 8/99 p. 5-6

Repaso sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro

Nakasara-aklat na repaso sa materyal na saklaw ng mga aralin sa mga linggo ng Mayo 3 hanggang Agosto 23, 1999. Gumamit ng isang bukod na pilyego ng papel na susulatan ng mga sagot sa pinakamaraming mga tanong na masasagot mo sa panahong takda.

[Pansinin: Sa panahon ng nasusulat na repaso, tanging ang Bibliya lamang ang maaaring gamitin sa pagsagot sa anumang tanong. Ang mga reperensiya na kasunod ng mga tanong ay para sa iyong personal na pagsasaliksik. Ang numero ng pahina at ang parapo ay maaaring hindi lumilitaw sa lahat ng reperensiya sa Ang Bantayan.]

Sagutin ang bawat pangungusap ng Tama o Mali:

1. Hindi kailangang ikompromiso ng mga magulang ang mga simulain sa Bibliya upang makitungo nang makatuwiran sa kanilang mga anak. [fy p. 108 par. 14]

2. Ang tema ng buong Bibliya ay ang pagbabangong-puri kay Jehova sa pamamagitan ng Kaharian na pinamamahalaan ng ipinangakong “binhi.” (Gen. 3:15) [si p. 17 par. 30]

3. Kakaunti lamang ang arkeolohikal at iba pang panlabas na ebidensiya na nagpapatunay sa katumpakan ng mga pangyayaring iniulat sa Exodo. [si p. 20 par. 4]

4. Yaong mga labis na naghihirap sa buhay ay wala sa kalagayang magbigay ng pinansiyal na tulong upang itaguyod ang mga kapakanan ng Kaharian. [w97 9/15 p. 5 par. 7]

5. Ang pagbibigay ng kinakailangang tulong sa mga magulang at sa mga lolo’t lola ay bahagi ng ating pagsamba kay Jehova. (1 Tim. 5:4) [w97 9/1 p. 4 par. 1-2]

6. Sa simula, ang pangingilin ng Sabbath ay isang tanda sa pagitan ni Jehova at ng lahat ng bansa. [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang rs p. 370 par. 3]

7. Kapag ang isang bata ay may sapat nang gulang upang magsimula nang magpasiya sa sarili, bumabalikat siya ng dagdag na antas ng pananagutan sa kaniyang mga paggawi, lalo na may kinalaman sa batas ng Diyos. (Roma 14:12) [fy p. 135 par. 17]

8. Isinulat ni Moises ang aklat ng Levitico noong taóng 1513 B.C.E. [si p. 25 par. 3-4]

9. Ang mga salita ni Jesus na nakaulat sa Lucas 21:20, 21 ay natupad noong 66 C.E. nang ang hukbong Romano sa ilalim ni Heneral Tito ay umurong mula sa Jerusalem. [w97 4/1 p. 5 par. 3-4]

10. Ang turo ni Epicurus ay mapanganib para sa mga Kristiyano dahil sa ito’y salig sa walang-pananampalatayang pangmalas, na inilarawan sa 1 Corinto 15:32. [w97 11/1 p. 24 par. 5]

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

11. Anong leksiyon ang matututuhan natin mula sa pagbabawal ng pagkain ng taba na binanggit sa Levitico 3:17? [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w84-E 2/15 p. 29 par. 2.]

12. Bakit pinahintulutan ni Jehova na umiral si Satanas na Diyablo? (Ex. 9:15, 16) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w92 3/15 p. 10 par. 14.]

13. Kapag nagkaroon ang isang miyembro ng pamilya ng malubhang karamdaman, anong unang hakbangin ang dapat gawin ng pamilya upang makapagtakda ng priyoridad? (Kaw. 15:22) [fy p. 122 par. 14]

14. Sa anong diwa ang bansang Israel ay “isang kaharian ng mga saserdote”? (Ex. 19:6) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w95 7/1 p. 16 par. 8.]

15. Ano ang pagkakaiba ng isang matang “simple” at ng isa na “balakyot”? (Mat. 6:22, 23) [w97 10/1 p. 26 par. 5]

16. Paano masasabing si David ay lumalakad “taglay ang katapatan ng puso at taglay ang katuwiran” gayong siya’y nakagawa ng mga pagkakamali? (1 Hari 9:4) [w97 5/1 p. 5 par. 2]

17. Anong makabagong-panahong mga pribilehiyo ang inilarawan ng paggawa ng mga Israelita nang “gayung-gayon” may kaugnayan sa tabernakulo? (Ex. 39:32) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w95 12/15 p. 12 par. 9.]

18. Ano ang ipinakikita ng bagay na inihayag ni Jehova ang kaniyang sarili bilang “ako ay magiging gayon sa anumang ako ay magiging gayon”? (Ex. 3:14) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w95 3/1 p. 10 par. 6.]

19. Anong leksiyon ang itinuro ng pangyayari may kaugnayan kina Nadab at Abihu na nakaulat sa Levitico 10:1, 2? [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w84-E 2/15 p. 29 par. 3.]

20. Sa ilalim ng Kautusang Mosaiko, bakit nagiging “marumi” ang isang babae dahil sa panganganak? (Lev. 12:2, 5) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w84-E 2/15 p. 29 par. 5.]

Ibigay ang kinakailangang (mga) salita o parirala upang mabuo ang sumusunod na mga pangungusap:

21. Bagaman walang makahimalang kagamutan sa pamamanglaw, maaaring matiis ito ng nagsosolong magulang sa pamamagitan ng lakas na nagmumula kay ․․․․․․․․, na natatamo sa pamamagitan ng patuloy na ․․․․․․․․. (1 Tim. 5:5) [fy p. 112 par. 21]

22. Ang isang trahedya sa buhay ng isang tao ay maaaring resulta ng ․․․․․․․․ o dahilan sa ating sariling ․․․․․․․․. [w97 5/15 p. 22 par. 7]

23. Ang aklat ng Exodo ay nagsisiwalat na si Jehova ang dakilang ․․․․․․․․ at ․․․․․․․․ at ․․․․․․․․ ng kaniyang kamangha-manghang mga layunin. [si p. 24 par. 26]

24. Pangunahin nang kung ano tayo sa ․․․․․․․․, hindi sa ․․․․․․․․, ang nagsisiwalat kung ano talaga tayo sa panloob. [w97 10/15 p. 29 par. 4]

25. Kung ang mga kapistahan sa pag-aani ay may ․․․․․․․․ o ․․․․․․․․ kahulugan, maaaring iwasan ng tunay na mga Kristiyano na di-mapaluguran si Jehova sa pamamagitan ng pagtangging ․․․․․․․․ sa anumang paraan sa gayong maruming pagsamba. [w97 9/15 p. 9 par. 6]

Ibagay ang sumusunod na mga kasulatan sa mga pangungusap na nasa ibaba:

26. Ang “apat na raang taon” ng paghihirap ng binhi ni Abraham ay nagsimula nang tuyain ni Ismael si Isaac noong (1943; 1919; 1913) B.C.E. at nagwakas sa paglaya sa Ehipto noong (1543; 1519; 1513) B.C.E. (Gen. 15:13) [si p. 17 par. 31]

27. Ang tagumpay o pagkabigo ng isang pamilya sa pagharap sa malubhang karamdaman ay depende lalung-lalo na sa (pinansiyal na kasiguruhan; saloobin; laki ng seguro) ng mga miyembro nito. (Kaw. 17:22) [fy p. 120 par. 10]

28. Ang isa na nagsasabi sa kaniyang puso “walang Jehova” ay tinatawag na “hangal” sapagkat ang isang iyon ay (may kakulangan sa moral; hindi edukado; kapos sa kakayahang mangatuwiran). (Awit 14:1) [w97 10/1 p. 6 par. 8]

29. Nang maghimagsik sina Adan at Eva, ang pinakamahalagang bagay na kanilang naiwala ay ang kanilang (kasakdalan; kaugnayan sa Diyos; tahanang halamanan), na siyang susi sa kanilang kaligayahan. [w97 10/15 p. 6 par. 2]

30. Ang aklat ng (Genesis; Exodo; Levitico) ay bumabanggit nang mas madalas sa kabanalan bilang kahilingan kaysa alinmang aklat ng Bibliya. [si p. 26 par. 9]

Ibagay ang sumusunod na mga kasulatan sa mga pangungusap na nasa ibaba:

Ex. 5:​2; Ex. 21:​29; Kaw. 1:​8; Gal. 5:​20; Sant. 1:​14, 15

31. Ang sinumang nag-aangking Kristiyano na paulit-ulit at walang pagsisising nagpapadala sa matinding bugso ng galit, lakip na ang pisikal na pang-aabuso sa mga miyembro ng pamilya ay maaaring matiwalag. [fy p. 150 par. 23]

32. Ang paraan ng ating paggawi ay nagsisimula kung paano tayo nag-iisip. [fy p. 148 par. 18]

33. Inilalagay ng Diyos na Jehova sa kahihiyan ang lahat ng mga may-paghamong tumatanggi na kilalanin ang kaniyang pagka-Diyos. [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w92 12/15 p. 13 par. 18.]

34. Bagaman iniatas ng Bibliya sa ama ang pangunahing pananagutan sa pagtuturo sa mga anak, ang ina ay may mahalaga ring papel na ginagampanan. [fy p. 133 par. 12]

35. Ang Kautusan ay hindi nagpapahintulot na gawing dahilan ang pagpapabaya upang makahingi ng awa kapag may napatay. [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w95 11/15 p. 11 par. 5.]

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share