Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Oktubre: Isang taóng suskrisyon ng alinman sa Gumising! o Ang Bantayan sa ₱120.00. Nobyembre: Maaaring ialok ang aklat na Kaalaman o ang brosyur na Hinihiling. Kung ang mga tao ay mayroon na nito, maaaring gamitin ang alinman sa mga aklat na Mabuhay Magpakailanman o Creation bilang kahaliling alok. Disyembre: Bibliyang New World Translation kasama ang aklat na Kaalaman sa ₱125.00. Ang mga aklat na Mabuhay Magpakailanman o Salita ng Diyos ay maaaring ialok bilang mga kahalili. Enero: Nagkakaisa sa Pagsamba ng Tanging Tunay na Diyos o alinman sa mga lumang aklat na 192 ang pahina. PANSININ: Ang mga kongregasyon na hindi pa nakapipidido ng mga babasahin para sa kampanyang nabanggit sa itaas ay dapat na gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Order Form (S-AB-14).
◼ Ang insert sa pahina 3-6 ng isyung ito ng Ating Ministeryo sa Kaharian ay ang “Iskedyul sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro Para sa 2000.” Isang karagdagang insert sa pahina 9-12 ang naglalaman ng materyal mula sa “Mga Paksa sa Bibliya na Mapag-uusapan” sa likod ng Ingles na New World Translation (bi12), na gagamitin bilang saligan ng maraming pahayag ng estudyante sa susunod na taon. Tiyaking ingatan ang mga insert na ito bilang reperensiya sa buong taon ng 2000.
◼ Sa Nobyembre 1, maraming tao ang makaaalaala sa kanilang namatay na mga minamahal, kaya magiging angkop na gamitin ang tract na Ano ang Pag-asa Para sa Namatay na mga Minamahal? o ang brosyur na Kapag Namatay ang Iyong Minamahal kapag gumagawa sa bahay-bahay o sa mga sementeryo sa araw na iyon.
◼ Yamang may limang Sabado at limang Linggo sa Oktubre, maaari itong maging isang kombinyenteng panahon para sa marami na makibahagi sa gawaing pag-o-auxiliary pioneer. Hindi pa lubhang huli upang mag-aplay.
◼ Maaari na ngayong magpadala ng pidido para sa 2000 Yearbook. Magpapadala kami ng isang pantanging Yearbook Order Blank sa bawat kongregasyon kasama ng statement ng kuwenta sa Agosto. Kapag natanggap ninyo ito, punan ito at ibalik sa Samahan nang hindi lalampas sa Nobyembre 15.