Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Pebrero: Aklat na Kaligayahan sa Pamilya. Marso: Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang Hanggan. Isang pantanging pagsisikap ang gagawin upang makapagpasimula ng mga pantahanang pag-aaral sa Bibliya. Abril at Mayo: Indibiduwal na mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising! Hayaang makakuha ang mga taong interesado ng brosyur na Hinihiling, at pagsikapang makapagpasimula ng mga pantahanang pag-aaral sa Bibliya. PANSININ: Ang mga kongregasyon na hindi pa nakapipidido ng mga babasahin para sa kampanyang nabanggit sa itaas ay dapat na gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Request Form (S-AB-14).
◼ Dapat repasuhin ng kalihim at ng tagapangasiwa sa paglilingkod ang gawain ng lahat ng regular pioneer. Sa katapusan ng Pebrero dapat na sila’y nakapag-ulat na ng humigit-kumulang sa 420 oras. Kung may sinumang nahihirapang abutin ang kahilingan sa oras, dapat isaayos ng matatanda na mabigyan ng tulong ang mga ito upang kanilang mapunan ang nawalang oras sa natitira pang anim na buwan ng taon ng paglilingkod. Para sa mga mungkahi, repasuhin ang taunang S-201 na mga liham ng Samahan na may petsang Disyembre 1. Tingnan din ang parapo 12-20 ng insert ng Setyembre 1986 ng Ating Ministeryo sa Kaharian.
◼ Sa Linggo, Pebrero 20, 2000, magkakaroon ng isang pulong ang lahat ng mga nagpaplanong mag-auxiliary pioneer sa mga buwan ng Marso, Abril, at Mayo sa taóng ito. Ang lahat ay pinasisiglang dumalo. Yamang ang kahilingan ay 50 oras na lamang, walang pagsalang marami ang makababahagi sa mga buwang ito ng tag-araw. Ang Tagapangasiwa sa Paglilingkod ang mangangasiwa sa pulong na ito at dapat tiyakin na may sapat na suplay ng Applications for Auxiliary Pioneer Service.
◼ Kung hindi pa ito naisasagawa, nais naming paalalahanan ang mga kongregasyon na tiyaking magpadala ng kanilang kahilingan para sa karagdagang magasin upang gamitin sa Abril at Mayo, na isinasaalang-alang ang bilang ng mga mag-o-auxiliary pioneer sa mga buwang iyon.
◼ Pasimula sa linggo ng Abril 17, 2000, pag-aaralan natin ang bagong aklat na Magbigay-Pansin sa Hula ni Daniel! sa mga Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat. Yamang ang aklat ay hindi makukuha sa Bicol, Pangasinan at Samar-Leyte, ito’y iseserye sa Bantayan sa mga wikang ito, pasimula sa isyu ng Marso 15, 2000.
◼ Makukuhang Bagong Publikasyon:
Magbigay-Pansin sa Hula ni Daniel!—Cebuano, Tsino, Ingles, Hiligaynon, Iloko, Tagalog