Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 3/00 p. 7
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
km 3/00 p. 7

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Marso: Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang Hanggan. Isang pantanging pagsisikap ang gagawin upang makapagpasimula ng mga pantahanang pag-aaral sa Bibliya. Abril at Mayo: Indibiduwal na mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising! Magdala ng brosyur na Hinihiling para sa mga taong interesado, at pagsikapang makapagpasimula ng mga pantahanang pag-aaral sa Bibliya. Hunyo: Ialok ang brosyur na Hinihiling sa layuning makapagpasimula ng mga pantahanang pag-aaral sa Bibliya. PANSININ: Ang mga kongregasyon na hindi pa nakapipidido ng mga babasahin para sa kampanyang nabanggit sa itaas ay dapat na gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Request Form (S-AB-14).

◼ Dapat na i-audit ng punong tagapangasiwa o ng isa na inatasan niya ang kuwenta ng kongregasyon sa Marso 1 o karaka-raka pagkatapos noon. Kapag natapos ito, gumawa ng patalastas sa kongregasyon pagkaraang basahin ang susunod na ulat ng kuwenta.

◼ Pasimula sa Abril, ang mga tagapangasiwa ng sirkito ay magbibigay ng pahayag pangmadla na pinamagatang “Si Jehova ay ‘Isang Matibay na Kaitaasan’ Para sa Kaniyang Bayan” kapag dumadalaw sa mga kongregasyon.

◼ Ang mga mamamahayag na nagnanais na maglingkod bilang mga auxiliary pioneer sa Abril at Mayo ay dapat na gumawa na ngayon ng kanilang mga plano at maagang magsumite ng kanilang aplikasyon. Ito’y makatutulong sa matatanda na gumawa ng kinakailangang mga kaayusan sa paglilingkod sa larangan at magkaroon ng sapat na magagamit na mga magasin at literatura.

◼ Ang isyung ito ng Ating Ministeryo sa Kaharian ay naglalaman ng kumpletong iskedyul para sa pag-aaral ng aklat na Magbigay-Pansin sa Hula ni Daniel! Maaari ninyong ipa-photocopy ito at ilagay ito sa loob ng inyong personal na kopya ng aklat para madaling makita.

◼ Ang Memoryal ay idaraos sa Miyerkules, Abril 19, 2000. Kung ang inyong kongregasyon ay may mga pulong tuwing Miyerkules, ang mga ito ay maaaring ilipat sa ibang araw ng sanlinggo.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share