Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 5/00 p. 3
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
km 5/00 p. 3

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Mayo: Indibiduwal na mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising! Maghanda ng brosyur na Hinihiling para sa mga taong interesado, at pagsikapang magpasimula ng mga pantahanang pag-aaral sa Bibliya. Hunyo: Ialok ang brosyur na Hinihiling taglay ang tunguhing magpasimula ng mga pantahanang pag-aaral sa Bibliya. Hulyo at Agosto: Alinman sa mga brosyur ay maaaring ialok. Gayunman, yamang marami tayong suplay ng brosyur na Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao, pinasisigla namin ang mga kongregasyon na pumidido ng mga ito upang magamit sa kampanya sa dalawang buwang ito. Ang mga kongregasyon na hindi pa nakapipidido ng mga babasahin para sa kampanyang nabanggit sa itaas ay dapat na gumawa nito sa kanilang susunod na buwanang Literature Request Form (S-AB-14).

◼ Dapat na i-audit ng punong tagapangasiwa o ng isa na inatasan niya ang kuwenta ng kongregasyon sa Hunyo 1 o karaka-raka pagkatapos nito. Kapag naisagawa na ito, gumawa ng patalastas sa kongregasyon pagkatapos na mabasa ang susunod na ulat ng kuwenta.

◼ Ipadadala namin kasama ng inyong buwanang statement ng Abril ang isang “Special Order Blank for Forms.” Pakisuyong tiyakin ang dami ng mga porma na kakailanganin ninyo para sa susunod na taon ng paglilingkod pasimula sa Setyembre at pagkatapos ay ipadala ang inyong pidido. Ang lahat ng mga pidido para sa mga pormang ito ay dapat na matanggap sa tanggapang pansangay bago ang Agosto 31, 2000. Ang mga pormang ito ay makukuha nang walang bayad, subalit walang pagsalang nanaisin ng mga kongregasyon na magbigay ng makatuwirang kontribusyon sa pandaigdig na gawain upang makatulong sa pag-iimprenta at pagpapadala ng mga pormang ito. Mahalaga: Tiyaking ilakip sa porma ng pidido ang inyong pidido para sa mga lapel badge card ng pandistritong kombensiyon upang maipadala namin sa inyo ang mga ito kapag naimprenta na.

◼ Makukuhang Bagong Videocassette:

Young People Ask—How Can I Make Real Friends?—Ingles

◼ Makukuhang Bagong Tract:

Jesus Christ—Who Is He?—Ingles

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share