Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Oktubre: Indibiduwal na mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising! Kapag nakasumpong ng interes sa mga pagdalaw-muli, maaaring ialok ang mga suskrisyon. Pasimula sa huling bahagi ng buwan, ang Kingdom News Blg. 36 ay ipamamahagi. Nobyembre: Ang pamamahagi ng Kingdom News Blg. 36 ay magpapatuloy. Ang mga kongregasyong nakatapos sa kanilang teritoryo anupat napaabutan ang mga maybahay sa bawat tahanan ng isang kopya ng Kingdom News Blg. 36 ay maaaring mag-alok ng aklat na Kaalaman o ng brosyur na Hinihiling. Disyembre: Ang brosyur na Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao ay iaalok kasama ng New World Translation of the Holy Scriptures. Enero: Ang alinman sa 192-pahinang matatandang aklat ay maaaring ialok. Kung ang mga kongregasyon ay wala ng alinman sa mga ito sa istak, ang aklat na Kaligayahan sa Pamilya ay maaaring ialok.
◼ Ang insert sa pahina 3-6 ng isyung ito ng Ating Ministeryo sa Kaharian ay ang “Iskedyul sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro Para sa 2001.” Pakisuyong pansinin: Sa 2001 ang ikatlo at ikaapat na pahayag ng estudyante ay salig sa aklat na Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan. Ang aklat na ito ay makukuha sa Cebuano, Iloko at Tagalog. Sa Bicol, Hiligaynon, Pangasinan at Samar-Leyte, ang mga tema ay isasalin subalit ang reperensiya ay magiging sa kopyang Ingles ng aklat na “Nangangatuwiran.”
◼ Sa Nobyembre 1, maraming tao ang mag-iisip tungkol sa namatay na mga minamahal, kaya magiging angkop na magdala tayo ng tract na Ano ang Pag-asa Para sa Namatay na mga Minamahal? at ang brosyur na Kapag Namatay ang Iyong Minamahal o Ano ang Nangyayari sa Atin Kapag Tayo ay Namatay? kapag gumagawa sa bahay-bahay o sa mga sementeryo sa araw na iyon.
◼ Dahil sa pantanging kampanya taglay ang Kingdom News Blg. 36 pasimula sa Oktubre 16 at hanggang sa Nobyembre 17, ito’y magiging isang napakainam na pagkakataon upang makibahagi sa paglilingkod bilang auxiliary pioneer. Hinihimok namin ang lahat ng nasa kalagayan na mag-aplay sa Oktubre at Nobyembre.
◼ Ang mga pidido para sa 2001 Yearbook of Jehovah’s Witnesses ay maaari na ngayong ipadala. Kami ay magpapadala ng isang pantanging Yearbook Order Blank sa bawat kongregasyon kasama ng statement sa Agosto. Kapag natanggap ninyo ito, punan at ibalik sa Samahan nang hindi lalampas sa Nobyembre 15.