Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 11/00 p. 7
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
km 11/00 p. 7

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Nobyembre: Ang pamamahagi ng Kingdom News Blg. 36 ay magpapatuloy. Ang mga kongregasyong nakatapos sa kanilang teritoryo sa pamamagitan ng pagpapaabot sa mga maybahay sa bawat tahanan ng isang kopya ng Kingdom News Blg. 36 ay maaaring mag-alok ng aklat na Kaalaman o ng brosyur na Hinihiling. Kung ang mga tao ay mayroon na ng mga ito, maaaring gamitin ang alinman sa aklat na Mabuhay Magpakailanman o aklat na Creation. Disyembre: Ang brosyur na Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao ay iaalok kasama ng New World Translation of the Holy Scriptures. Enero: Ang alinman sa 192-pahinang matatandang aklat ay maaaring ialok. Kung wala ang alinman sa mga ito sa istak ng kongregasyon, ang aklat na Kaligayahan sa Pamilya ay maaaring ialok. Pebrero: Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? Kapag ang Ingles ay hindi karaniwang ginagamit, ang aklat na Kaligayahan sa Pamilya ay maaaring ialok bilang kahalili.

◼ Bagaman ang insert dito sa Ating Ministeryo sa Kaharian ay tatalakayin sa mga Pulong sa Paglilingkod sa buwang ito, makabubuting gumugol ng 15 minuto sa huling bahagi ng Pulong sa Paglilingkod bago dumalo sa inyong kombensiyon upang marepaso ang tuwirang payo mula sa insert na ito. Sa panahong iyon, pasiglahin ang lahat na tingnan sa loob ng ilang minuto ang nakaimprentang programa bago magsimula ang bawat sesyon sa umaga at sa hapon at asam-asamin kung ano ang maaaring talakayin. Padadaliin nito ang pagpapako ng pansin sa programa at pagkuha ng maikli subalit makabuluhang mga nota.

◼ Ang Samahan ay nagpaplanong magsaayos ng pagsasalin para sa mga bingi sa “Mga Tagatupad ng Salita ng Diyos” na Pandistritong Kombensiyon sa Quezon City sa Disyembre 8-10, 2000. Ito ay magiging kaugnay ng kombensiyon sa Ingles sa petsang iyon. Ang sinumang bingi na nakakaintindi ng sign language ay dapat na dumalo sa kombensiyong ito, yamang wala nang pagsasaling gagawin para sa mga bingi sa iba pang mga kombensiyon.

◼ Dapat na i-audit ng punong tagapangasiwa o ng isang inatasan niya ang kuwenta ng kongregasyon sa Disyembre 1 o karaka-raka pagkatapos nito. Gumawa ng patalastas sa kongregasyon kapag natapos na ito.

◼ Kapag natapos na ang kampanya sa Kingdom News, ang mga kongregasyon na mayroon pang suplay ng Kingdom News Blg. 36 ay maaaring magpasigla sa mga mamamahayag na ialok ang mga ito tulad sa paraan ng pag-aalok nila ng mga tract—maging ito’y sa bahay-bahay o saanmang lugar. Kung nararapat, maaaring mag-iwan ang mga mamamahayag ng isa sa bawat wala-sa-tahanan, na tinitiyak na ito ay hindi makikita ng mga dumaraan. Dapat gumawa ng pagsisikap na maipamahagi ang lahat ng natitirang mga kopya ng mahalagang mensaheng ito.

◼ Makukuhang mga Bagong Compact Disc:

Watchtower Library—1999 Edition sa CD-ROM

Kingdom Melodies No. 9 sa compact disc

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share