Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 1/01 p. 3
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
km 1/01 p. 3

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Enero: Ang alinman sa matatandang aklat na may 192 pahina ay maaaring ialok. Kung ang mga kongregasyon ay wala ng alinman sa mga ito sa istak, maaaring ialok ang aklat na Kaligayahan sa Pamilya. Pebrero: Life​—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? Sa mga lugar na di-karaniwang ginagamit ang Ingles, ang aklat na Kaligayahan sa Pamilya ay maaaring ialok bilang kahalili. Marso: Ang aklat na Kaalaman ay itatampok taglay ang pagsisikap na makapagpasimula ng mga pantahanang pag-aaral sa Bibliya. Abril at Mayo: Indibiduwal na mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising! Magdala ng brosyur na Hinihiling para sa mga taong interesado, at pagsikapang makapagpasimula ng mga pantahanang pag-aaral sa Bibliya.

◼ Ang mga kongregasyon ay dapat gumawa ng mga kaayusan upang ipagdiwang ang Memoryal sa taóng ito sa Linggo, Abril 8, 2001, paglubog ng araw. Bagaman ang pahayag ay maaaring magsimula nang mas maaga, ang pagpapasa ng mga emblema ng Memoryal ay hindi dapat magsimula kundi matapos lumubog ang araw. Bagaman kanais-nais para sa bawat kongregasyon na magsagawa ng sariling pagdiriwang ng Memoryal, maaaring hindi ito maging posible sa tuwina. Kapag ang ilang kongregasyon ay karaniwan nang gumagamit ng iisang Kingdom Hall, maaaring kumuha ang isa o higit pang kongregasyon ng ibang pasilidad upang gamitin sa gabing iyon.

◼ Ang pantanging pahayag pangmadla sa panahon ng Memoryal sa 2001 ay ibibigay sa Linggo, Abril 1, 2001. Ito ay pinamagatang “Sino ang Makaliligtas?” Isang balangkas ang ilalaan para sa mga tagapagsalita sa takdang panahon. Ang mga kongregasyong may dalaw ng tagapangasiwa ng sirkito, isang pansirkitong asamblea, o isang pantanging araw ng asamblea sa dulong sanlinggong iyon ay magsasagawa ng pantanging pahayag sa susunod na linggo. Walang kongregasyon ang magsasagawa ng pantanging pahayag bago ang Abril 1, 2001.

◼ Yamang ang Abril at Mayo ay mga pantanging buwan para sa magasin at marami ang makikibahagi sa gawain bilang auxiliary pioneer sa panahong iyon, dapat na isaalang-alang na ngayon ng tagapangasiwa sa paglilingkod at ng kapatid na nangangasiwa sa mga magasin ang pagpidido ng ekstrang magasin para magamit ng kongregasyon sa mga buwang iyon. Pakisuyong ipadala ang inyong mga pantanging pidido upang ang mga ito ay dumating sa tanggapang pansangay nang hindi lalampas sa Pebrero 1, 2001. Ito ay magbibigay katiyakan na matatanggap ninyo ang ekstrang mga magasin kasabay ng inyong regular na pidido.

◼ Makukuhang Bagong Brosyur:

Jehovah’s Witnesses—Who Are They? What Do They Believe?—Ingles lamang (Ang brosyur na ito ay kahalili ng Jehovah’s Witnesses in the Twentieth Century)

◼ Makukuhang Bagong Audiocassette:

Kingdom Melodies No. 9

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share