Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Hulyo at Agosto: Maaaring gamitin ang alinman sa sumusunod na 32-pahinang brosyur: Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos?, Tamasahin ang Buhay sa Lupa Magpakailanman!, “Narito! Ginagawa Kong Bago ang Lahat ng mga Bagay,” Dapat ba Kayong Maniwala sa Trinidad?, Ang Banal na Pangalan na Mananatili Magpakailanman, Ang Pamahalaan na Magdadala ng Paraiso, Ano ang Nangyayari sa Atin Kapag Tayo ay Namatay?, Ano ang Layunin ng Buhay—Paano Mo Masusumpungan?, at Kapag Namatay ang Iyong Minamahal. Ang mga brosyur na Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao, at Will There Ever Be a World Without War? ay maaaring ialok kung angkop. Setyembre: Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? Oktubre: Indibiduwal na mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising! Kung may masumpungang interes sa mga pagdalaw-muli, maaaring ialok ang mga suskrisyon. Laging magdala ng brosyur na Hinihiling upang makapagpasimula ng isang pag-aaral sa Bibliya kung posible.
◼ Sa Sabado, Agosto 25, 2001, magkakaroon ng pangkalahatang paglilinis sa Tahanang Bethel sa Quezon City, kaya ang opisina ay isasara sa umagang iyon at walang mga tour na isasagawa sa araw na iyon. Ang literature reception ay isasara rin sa umagang iyon.
◼ Para sa mga Kalihim ng Kongregasyon: Kapag ipinadadala ang inyong mga kontribusyon sa Samahan, pakisuyo na tiyaking ilakip ang inyong deposit slip o iba pang uri ng remittance sa iisang sobre kasama ng remittance form. Madalas kaming nakatatanggap ng mga deposit slip o mga remittance form nang magkahiwalay. Kapag ganito ang nangyayari, inilalagay ang mga ito sa hold file at kadalasan ay kailangan pa naming lumiham muli sa kongregasyon upang linawin ang mga bagay-bagay. Sa ibang kaso naman, ang mga deposito ay inihuhulog sa isa sa mga account ng Samahan sa bangko ngunit wala kaming tinatanggap na impormasyon kung para saan ang deposito. Pakisuyong tiyaking suriin ang buwanang statement at itala kung natanggap ng Samahan o hindi ang ipinadala ninyo. Tingnan ang Instructions for Congregation Accounting [S(d)-27], punto #25. Kung walang ipinahiwatig na natanggap ang remittance ninyo, pakisuyong sundin ang mga tagubilin sa punto #26.
◼ Sa Lahat ng Kongregasyon na may mga Kingdom Hall Loan: Ang lahat ng remittance para sa mga Kingdom Hall Loan ay dapat gawin sa kulay berdeng Remittance Form (T-51), hindi sa kulay puting Contribution Remittance Form [S(d)-20].