Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Nobyembre: Iaalok ang aklat na Kaalaman o ang brosyur na Hinihiling. Kung mayroon na nito ang mga may-bahay, maaaring gamitin Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos o iba pang mas matatandang publikasyon. Disyembre: Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman, Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya, o, kung mayroon, Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa. Enero at Pebrero: Ang matatandang 192-pahinang aklat ay maaaring ialok, tulad ng Kaligayahan—Papaano Masusumpungan, Ang Katotohanan na Umaakay Patungo sa Buhay na Walang-Hanggan, o Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan—Papaano Mo Masusumpungan? Kung walang matatandang aklat, maaaring gamitin ang alinman sa mga aklat na Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos o ang Creation bilang kahaliling alok.
◼ Yamang ang unang dalawang kombensiyon sa Quezon City ay gaganapin sa huling dalawang linggo ng Nobyembre, iminumungkahi na tiyakin ng mga kongregasyong dadalo sa mga kombensiyong ito na matalakay ang lahat ng tatlong artikulo sa insert ng Ating Ministeryo sa Kaharian na ito sa Pulong sa Paglilingkod bago dumalo sa kanilang kombensiyon, na gumagawa ng lokal na mga pagbabago sa iskedyul alinsunod dito. Sa ganitong paraan, ang impormasyon ay hindi malilibanan ng mga kongregasyong dadalo sa unang mga kombensiyong ito.
◼ Nagpaplano ang Samahan na magsaayos ng programa para sa mga bingi sa “Mga Guro ng Salita ng Diyos” na Pandistritong Kombensiyon sa Quezon City sa Disyembre 7-9, 2001. Ito ay magiging kasabay ng kombensiyon sa Ingles sa petsang iyon. Ang sinumang taong bingi na nakakaintindi ng sign language ay dapat na dumalo sa kombensiyong ito, yamang hindi magkakaroon ng programa para sa bingi sa ibang mga kombensiyon.
◼ Dapat na i-audit ng punong tagapangasiwa o ng isa na inatasan niya ang kuwenta ng kongregasyon sa Disyembre 1 o karaka-raka hangga’t maaari pagkatapos nito. Gumawa ng patalastas sa kongregasyon kapag naisagawa na ito.
◼ Yaong mga kaugnay sa isang kongregasyon ay dapat na magsumite ng lahat ng bago at ipinabagong mga suskrisyon para sa Ang Bantayan at Gumising!, lakip na ang kanilang personal na mga suskrisyon sa pamamagitan ng kongregasyon.
◼ Hindi ipinadadala ng tanggapang pansangay ang mga pidido para sa literatura ng indibiduwal na mamamahayag. Dapat na isaayos ng punong tagapangasiwa ang paggawa ng isang patalastas bawat buwan bago ipadala sa sangay ang buwanang kahilingan ng kongregasyon para sa literatura upang yaong mga interesadong magkaroon ng personal na literatura ay makapagsabi sa kapatid na nangangasiwa sa literatura upang ang mga ito ay maisama sa kahilingan sa literatura para sa buwang iyon. Pakisuyong tandaan kung aling mga publikasyon ang mga special-request item.
◼ Pakisuyong pansinin sa listahan sa pahina 6 na ang pandistritong kombensiyon sa Tandag, Surigao Sur ay idaraos ngayon sa Disyembre 28-30, 2001 sa halip na sa Disyembre 21-23.
◼ Makukuha na Bagong Tract:
Tract T-26, Gusto Mo Bang Makaalam Nang Higit Pa Tungkol sa Bibliya?—Bicol, Cebuano, Hiligaynon, Iloko, Pangasinan, Samar-Leyte, Tagalog (Ito ay tract na pantanging dinisenyo upang tulungan tayo na makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya sa gawain sa bahay-bahay.)