Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 12/01 p. 5-6
  • Repaso sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Repaso sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
km 12/01 p. 5-6

Repaso sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro

Nakasara-aklat na repaso sa materyal na saklaw ang mga aralin sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro sa mga linggo ng Setyembre 3 hanggang Disyembre 24, 2001. Gumamit ng isang bukod na pilyego ng papel na susulatan ng mga sagot sa pinakamaraming tanong na masasagot mo sa panahong itinakda.

[Pansinin: Sa panahon ng nasusulat na repaso, tanging ang Bibliya lamang ang maaaring gamitin sa pagsagot sa anumang tanong. Ang mga reperensiya na kasunod ng mga tanong ay para sa iyong personal na pagsasaliksik. Ang mga numero ng pahina at ng parapo ay maaaring hindi lumilitaw sa lahat ng reperensiya sa Ang Bantayan.]

Sagutin ang bawat pangungusap ng Tama o Mali:

1. Yamang ang pananampalataya ay isang bunga ng espiritu ng Diyos, ang mga taong walang pananampalataya ay hindi naghahangad ng espiritung ito, o kung hinahanap man nila ito ay dahil sa masamang layunin o kaya’y kanilang nilalabanan ang pagkilos nito sa kanilang buhay. (Luc. 11:13; Gal. 5:22) [rs p. 320 par. 3]

2. May-kawastuang ipinahihiwatig ng Awit 58:4 na ang kobra ay may ‘mga tainga’ na hindi nakaririnig sapagkat ito ay likas na bingi. [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang Rbi8 p. 1583.]

3. Ang “malaking hukbo” ng mga babaing binabanggit sa Awit 68:11 ay mga banyagang babaing alipin na pinalaya mula sa pagkabihag ng mga lalaki ng Israel kapag nalupig ang kaaway na mga bansa. [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w86 10/15 p. 30 par. 6.]

4. Kung ang sandali at paraan ng pagkamatay ng bawat tao ay natitiyak na sa panahon ng pagsilang o mas maaga pa rito, hindi na kakailanganing umiwas sa mapanganib na mga situwasyon o kaya’y pag-ingatan ang kalusugan ng isa, at ang mga pag-iingat upang iwasan ang aksidente ay hindi makapagpapabago sa bilang ng mga namamatay. [rs p. 405 par. 3]

5. Ang pangungusap ni Pablo na “huwag hamakin ng sinumang tao ang iyong kabataan” ay nagpapahiwatig na si Timoteo ay isa lamang tin-edyer o wala pang edad 25. (1 Tim. 4:12) [w99 9/15 p. 29 par. 1-3; p. 31 par. 2]

6. Gaya ng nakaulat sa Awit 110:​1, ang “aking Panginoon” ay tumutukoy kay Jesus. [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w94 6/1 p. 28 par. 5.]

7. Sa aklat ng Mga Awit, ang pangalang Jehova ay lumilitaw nang mga 700 beses, at ang pinaikling anyong “Jah,” 43 beses, anupat lahat-lahat ang pangalan ng Diyos ay binabanggit nang mga 5 ulit, sa katamtaman, sa bawat Awit. [si p. 104 par. 23]

8. Bagaman si Jesus ay tinutukoy sa Kasulatan bilang “isang diyos,” maging bilang “Makapangyarihang Diyos,” saanma’y hindi siya tinutukoy bilang makapangyarihan-sa-lahat. (Juan 1:1; Isa. 9:6; Gen. 17:1) [rs p. 131 par. 1]

9. Sa katunayan, ang pag-aaral sa aklat ng Mga Kawikaan, ay pag-aaral sa sariling karunungan ni Solomon. [si p. 106 par. 1]

10. Ang payo ng Bibliya, na masusumpungan sa Kawikaan 21:​17, na iwasang ‘ibigin ang kasayahan’ ay nagpapahiwatig na mali ang pagsasaya sapagkat kinukuha nito ang panahon mula sa mas mahahalagang bagay. [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w97 10/1 p. 27 par. 7.]

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

11. Ano ang itinuturo ng mahinahong pagsaway ni Jesus kay Marta? (Luc. 10:​40, 41) [w99 9/1 p. 30 par. 7]

12. Sa anong “kaluwalhatian” dinala ni Jehova ang salmista? (Awit 73:24) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w86 12/15 p. 28 par. 3.]

13. Anong pangmalas sa mga pribilehiyo sa paglilingkod ang ipinahayag ng salmista gaya ng nakaulat sa Awit 84:​1-3? [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w97 3/15 p. 8 par. 5-7.]

14. Paano ipinakikita ng Apocalipsis 22:17 at Roma 2:​4, 5 na hindi patiunang inaalam o itinatalaga ni Jehova ang lahat ng ginagawa ng mga tao? [rs p. 408 par. 1-2]

15. Yamang ang sinaunang mga Kristiyano ay naniniwala sa Milenyong Paghahari ni Jesus na binabanggit sa aklat ng Apocalipsis, anong mga impluwensiya ang nagpangyari upang tanggihan ng apostatang mga Kristiyano noong dakong huli ang turong ito na mula sa Diyos? [w99 12/1 p. 6 par. 3–​​p. 7 par. 5]

16. Anong mga hangganan sa pagpapakita ng “personal na interes” sa ibang tao ang dapat sundin ng mga Kristiyano? (Fil. 2:4) [w99 12/1 p. 29 par. 1]

17. Ano ang ipinahihiwatig ng pagbanggit sa Awit 128:3 tungkol sa mga anak na “tulad ng mga sibol ng mga punong olibo” sa palibot ng mesa ng isang lalaki? [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w00 8/15 p. 30 par. 4.]

18. Kung masumpungan natin na ang gawa ng Diyos ay kakila-kilabot, paano ito makaaapekto sa atin? (Awit 139:14) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w93 10/1 p. 15 par. 18.]

19. Bakit binabanggit ng Kawikaan 5:​3, 4 ang tungkol sa mga epekto ng imoralidad na “kasimpait ng ahenho” at “kasintalas ng tabak na may dalawang talim”? [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w00 7/15 p. 29 par. 2.]

20. Kasuwato ng Kawikaan 14:​29, paano tayo matutulungan ng kaunawaan na maiwasan ang mga bunga ng kawalang-pasensiya at di-mapigil na galit? [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w97 3/15 p. 13 par. 7-8.]

Ibigay ang kinakailangang (mga) salita o parirala upang mabuo ang sumusunod na mga pangungusap:

21. Ang mga tunay na propeta ay nagsalita ․․․․․․․․, at ipinakilala ang ․․․․․․․․. (Deut. 18:18-​20; 1 Juan 4:​1-3) [rs p. 75 par. 3; p. 76 par. 1]

22. Ang layunin ng Mga Kawikaan ay dalawa​—ang magbigay ng ․․․․․․․․, at maglaan ng ․․․․․․․․. (Kaw. 1:​1-4) [w99 9/15 p. 13 par. 1]

23. “Ang lihim na dako ng Kataas-taasan” ay isang dako ng ․․․․․․․․, para sa mga nasa panig ng Diyos sa isyu ng ․․․․․․․․; ito ay “lihim,” o di-alam, ng mga taong ․․․․․․․․. (Awit 91:1) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w86 12/15 p. 29 par. 6.]

24. Ang ‘hindi paglimot sa lahat ng mga ginagawa ni Jehova’ ay maliwanag na may kaugnayan sa ․․․․․․․․, sa “kaniyang ginagawa,” sa kaniyang mga gawa ng maibiging-kabaitan gaya ng inilalarawan sa ika-103 Awit. (Awit 103:2) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w99 5/15 p. 21 par. 5-6.]

25. Ang kawikaan ay isang salitang malamán na gumagamit ng ․․․․․․․․, at dinisenyo upang ․․․․․․․․. [si p. 107 par. 6]

Piliin ang tamang sagot sa sumusunod na mga pangungusap:

26. Bagaman may dahilan siya upang magalit sa pakikitungong naranasan niya kay Saul, pinigil ni David ang kaniyang sarili sapagkat (batid niya na si Saul ay di-sakdal at na ang mga lingkod ng Diyos ay dapat na maging mapagpatawad; maliwanag na isinasaisip niya ang kaniyang kaugnayan kay Jehova; alam niyang mali ang maging mapanghatol). (1 Sam. 24:​6, 15) [w99 8/15 p. 8 par. 7]

27. Ang (karunungan; disiplina; katuwiran) ay kombinasyon ng maraming salik, kabilang na ang unawa, kaunawaan, katalinuhan, at kakayahang mag-isip; ang (kabutihan; unawa; mabuting paghatol) ay ang kakayahang makita ang isang bagay at maintindihan ang kayarian nito anupat nasasakyan ang kaugnayan ng mga bahagi at kabuuan nito, sa gayo’y nakukuha ang diwa nito. (Kaw. 1:​1-4) [w99 9/15 p. 13 par. 2]

28. Ang lakas ni Jose na tanggihan ang imoral na mga panghihikayat ng asawa ni Potipar ay mula sa (kaniyang kaalaman hinggil sa Kautusan ni Moises, na humahatol sa pakikiapid; mabuting pagkatakot sa mataas na katungkulan ng asawa nito; kaniyang pagpapahalaga sa kaugnayan niya kay Jehova). (Gen. 39:​7-9) [w99 10/1 p. 29 par. 3]

29. Ang manunulat ng Awit 119 ay maliwanag na may matinding pagpapahalaga sa (salita, o kautusan, ng Diyos; kaloob na buhay; pag-asa ng kaligtasan), na binanggit sa halos lahat ng mga talata ng awit. [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w99 11/1 p. 9 par. 5; w87 3/15 p. 24 par. 2.]

30. Sa unang dalawang kabanata ng liham ni Pablo sa (mga taga-Roma; mga taga-Galacia; mga Hebreo), masusumpungan natin ang maraming pagsipi mula sa Mga Awit may kinalaman sa (nakatataas na posisyon; bautismo; makalupang ministeryo) ni Jesu-Kristo. [si p. 105 par. 28]

Ibagay ang sumusunod na mga kasulatan sa mga pangungusap na nasa ibaba:

Kaw. 2:​19; 14:15; 18:17; Roma 10:17; Heb. 13:18

31. Upang magtamo ng pananampalataya, dapat munang alamin ng isang tao ang sinasabi ng Bibliya at maingat itong suriin. [rs p. 322 par. 2]

32. Ang mga Kristiyano ay hindi dapat masangkot sa mga gawain sa negosyo na hindi tapat o kaya’y nagwawalang-bahala sa legal na karapatan ng iba. [w99 9/15 p. 10 par. 2]

33. Yaong mga nagsasagawa ng seksuwal na imoralidad ay maaaring umabot sa puntong hindi na sila makauurong pa, alalaong baga’y ang kamatayan, na mula rito ay hindi na sila maaaring makabalik. [w99 11/15 p. 27 par. 4-5]

34. Tinitimbang ng isang taong matalino at may unawa ang mga kahihinatnan ng kaniyang mga kilos at hindi siya parang bulag na sumusunod sa mga bagong kausuhan dahil lamang sa ito’y popular. [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang g94 12/8 p. 16 par. 1.]

35. Bagaman maaaring waring totoo at tama ang katuwiran ng isang tao, makabubuting pakinggan ang magkabilang panig bago gumawa ng konklusyon. [si p. 111 par. 36]

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share