Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 2/02 p. 7
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
km 2/02 p. 7

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Pebrero: Maaaring ialok ang matatagal nang mga aklat na may 192 pahina. Kung walang makukuhang matatagal nang mga aklat, ang alinman sa Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos o ang aklat na Creation ay maaaring gamitin bilang kahaliling alok. Marso: Ang aklat na Kaalaman ay iaalok taglay ang pagsisikap na makapagpasimula ng mga pantahanang pag-aaral sa Bibliya. Abril at Mayo: Indibiduwal na mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising! Sa mga pagdalaw-muli, maaaring ialok ng mga mamamahayag na sila na ang regular na maghahatid ng mga magasin o ialok ang isang suskrisyon kung malayo ang kanilang tirahan sa isang kongregasyon.

◼ Dapat repasuhin ng kalihim at ng tagapangasiwa sa paglilingkod ang gawain ng lahat ng regular pioneer sa katapusan ng Pebrero. Sa panahong iyon dapat na sila’y nakapag-ulat na ng humigit-kumulang sa 420 oras. Kung ang sinuman ay nahihirapang umabot sa kahilingan sa oras, dapat isaayos ng matatanda na maibigay ang tulong upang mapunan nila ang nawawalang oras sa natitira pang anim na buwan ng taon ng paglilingkod. Para sa mga mungkahi, repasuhin ang taunang S-201 na liham na may petsang Nobyembre 1, 2001. Tingnan din ang parapo 12-20 ng insert ng Setyembre 1986 ng Ating Ministeryo sa Kaharian.

◼ Dapat i-audit ng punong tagapangasiwa o ng sinumang inatasan niya ang kuwenta ng kongregasyon sa Marso 1 o karaka-raka pagkatapos nito hangga’t maaari. Kapag ito’y naisagawa na, gumawa ng patalastas sa kongregasyon pagkatapos basahin ang sumunod na ulat ng kuwenta.

◼ Sa Linggo, Pebrero 17, 2002, magkakaroon ng pakikipagpulong sa lahat ng mga nagpaplanong magauxiliary pioneer sa mga buwan ng Marso, Abril, at Mayo. Ang lahat ay pinasisiglang dumalo. Pangangasiwaan ng tagapangasiwa sa paglilingkod ang pulong, anupat titiyaking may sapat na Applications for Auxiliary Pioneer Service upang maipamahagi sa lahat ng dadalo sa pulong na ito.

◼ Anumang pulong na karaniwang nakaiskedyul sa Huwebes, Marso 28, 2002 ay dapat na idaos sa ibang araw sa linggo ng Memoryal.

◼ Mga Bagong Publikasyon na Makukuha:

Hula ni Isaias​—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan II​—Cebuano, Ingles, Hiligaynon, Iloko, Tagalog

Isang Kasiya-siyang Buhay​—Kung Paano Ito Matatamo​—Cebuano, Ingles, Hiligaynon, Iloko, Tagalog

Tract T-25, Mayroon Ka Bang Imortal na Espiritu?​—Bicol, Cebuano, Ingles, Hiligaynon, Iloko, Pangasinan, Samar-Leyte, Tagalog

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share