Ang Lahat ay Maaaring Matuto Mula sa Noah—He Walked With God
Basahin o repasuhin ang Genesis 6:1 hanggang 9:19. Pagkatapos ay panoorin ang video na Noah, at isipin kung paano mo sasagutin ang mga tanong na ito: (1) Ano ang kalagayan ng daigdig noong kapanahunan ni Noe, at paano naging gayon ang kalagayan? (2) Ano ang naging dahilan anupat naging pantangi si Noe, anong atas ang ibinigay sa kaniya ng Diyos na gawin, at bakit? (3) Saan malamang na ginawa ang arka, gaano katagal, at gaano kalaki iyon? (4) Bukod sa paggawa ng arka, ano pa ang kailangang gawin ni Noe at ng kaniyang pamilya? (5) Ano sa palagay mo ang pakiramdam ng isang nasa loob ng arka minsang nasarhan na ang pinto nito? (6) Ano kaya ang madarama mo pagkatapos makaligtas sa Baha? (7) Anong palatandaan hinggil sa Baha ang paminsan-minsang nakikita natin, at ano ang kahulugan nito? (8) Ano ang itinuro sa iyo ng ulat ng Bibliya hinggil kay Noe kung tungkol sa iyong sarili, sa iyong pamilya, at sa gawaing iniatas sa atin ng Diyos na gawin? (9) Anong mga tanong ang nais mong itanong kay Noe at sa kaniyang pamilya kapag nakita mo sila sa Paraiso? (10) Paano mo pinaplanong gamitin ngayon ang video na Noah?