Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 4/02 p. 7
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
km 4/02 p. 7

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Abril at Mayo: Indibiduwal na mga kopya ng kapuwa Ang Bantayan at Gumising! Sa mga pagdalaw-muli, maaaring ialok ng mga mamamahayag na regular nilang ihahatid ang mga magasin, sa layuning makapagpasimula ng isang pag-aaral sa Bibliya. Hunyo: Iaalok ang aklat na Kaalaman o ang brosyur na Hinihiling. Kapag ang mga may-bahay ay mayroon na ng mga publikasyong ito, ialok ang brosyur na Maaari Kang Maging Kaibigan ng Diyos! Hulyo at Agosto: Maaaring ialok ang alinman sa mga brosyur, subalit kami ay nagpapasigla lalo na sa pamamahagi ng sumusunod na apat na brosyur: Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao; Maaari Kang Maging Kaibigan ng Diyos!; Isang Kasiya-siyang Buhay​—Kung Paano Ito Matatamo; Ano ang Nangyayari sa Atin Kapag Tayo ay Namatay?

◼ Ang mga tomo ng 2001 Watchtower at Awake! ay malapit nang makuha at maaari na ngayong pididuhin. Gayunman, tandaan na ang mga ito ay mga special-request item at dapat na pididuhin lamang kung may espesipikong kahilingan ang mga mamamahayag para rito. Kapag ang mga tomo ay hindi pa dumarating sa panahong natanggap na ang mga pidido, ang mga ito ay mamarkahan ng “back-ordered” at ang mga tomo ay ipadadala sa inyo kapag natanggap na ang mga ito mula sa Brooklyn.

◼ Kailangan ng tanggapang pansangay na mapanatili ang isang napapanahong rekord ng mga direksiyon at mga numero ng telepono ng lahat ng punong tagapangasiwa at ng mga kalihim. Kung magkakaroon ng pagbabago sa anumang panahon, dapat na kumpletuhin, pirmahan, at ipadala karaka-raka ng Komite sa Paglilingkod ng Kongregasyon ang isang Presiding Overseer/Secretary Change of Address (S-29) form sa tanggapang pansangay. Ang mga kopya ng S-29 form ay ipinadadala sa bawat kongregasyon kasama ng taunang suplay ng mga porma.

◼ Dapat panatilihin ng mga kalihim ng Kongregasyon ang sapat na suplay ng mga pormang Application for Regular Pioneer Service (S-205) at Application for Auxiliary Pioneer Service (S-205b). Ang mga ito ay maaaring pididuhin sa Literature Request form (S-14). Mag-ingat ng suplay para sa isang taon man lamang.

◼ MGA REGALONG SUSKRISYON: Nais naming ipabatid sa inyo na kasuwato ng aming sulat ng Enero 1, 2002, wala nang probisyon para sa mga regalong suskrisyon. Kung gusto ng sinuman na regular na tumanggap ng magasin ang isang taong interesado na nakatira sa labas ng teritoryo ng kongregasyon, maaaring ipabatid ito sa sangay. Ipadadala naman ng sangay ang direksiyon sa kongregasyon na pinakamalapit sa taong ito upang maisaayos nila ang pagdalaw sa taong interesado at madalhan siya ng mga magasin hangga’t kailangan.

◼ Makukuhang mga Bagong Publikasyon:

Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan​—Malalaking-Letrang Edisyon​—Ingles

Hula ni Isaias​—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan, Tomo I—​Malalaking-Letrang Edisyon​—Ingles

(Pansinin: Ang mga malalaking-letrang edisyong ito ay naglalaman lamang ng nakalimbag na materyal at walang mga ilustrasyon, katulad ng Bantayan na may malalaking letra.)

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share